Sunday, May 12, 2024

Tag: Agosto 20, 2013

Pista ng malayang pelikula

HUMAKOT ng 75,776 na manonood ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival Competition na ginanap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City, Trinoma sa Quezon City, Greenbelt sa Makati, at Alabang Town Center sa Muntinlupa noong Hulyo 27 hanggang Agosto 4. Mas mataas ito ng 13 porsiyento mula sa mahigit 66,000 na manonood noong nakaraang taon.

Ang ika-siyam na pagdiriwang ng malayang pelikula ay isa sa mga pinakamatagumpay sa kasaysayan, ayon sa presidente ng CCP na si Nestor Jardin.

“I think this is one of the best batches we ever had,” ani Jardin. “The true success of a festival lies in the quality of its films. And I guess our audience has become engrossed to agree with us.”

Obra ng yumaong pintor, binigyang-pugay

BINIGYANG-pugay ang yumaong pintor na si Oscar Salita sa isang eksibit na pinamagatang Beyond Words na itinanghal sa Beato Angelico Main Gallery mula ika-23 hanggang ika-30 ng Hulyo.

Sa pakikipagtulungan ng College of Fine Arts Student Council at Art Circle Gallery, ang eksibit ay binuo ng iba’t ibang dibuho ni Salita mula sa kaniyang mga unang taon bilang isang pintor hanggang sa katanyagan.

Nilipon ang mga ito mula sa mga iba’t ibang koleksiyon at sa Art Circle Gallery kung saan nakalagay ang karamihan sa kanyang mga gawa.

Kilala si Salita sa kaniyang mga obra kung saan ay walang mukha ang mga paksa. Ang mga oil-on-canvas niya ay may impluwensya ng cubism.

Joey Velasco, ginunita sa isang eksibit

INILUNSAD sa isang eksibit ang mga likhang sining ng yumaong si Joey Velasco sa tulong ng Joselito Salvador A. Velasco Foundation, Inc. (JSAVFI) sa Crucible Gallery sa Mandaluyong noong Hulyo 16-28.

Pinakakilala si Velasco sa kaniyang “Hapag ng Pag-asa,” na sumasalamin sa kahirapan ng mga batang “disipulo” na namulat mula sa realidad ng mundo sa batang edad. Ipinapakita sa dibuho ang isang dosenang gutom na bata, sa halip na labindalawang apostoles, na kasama ni Kristo sa hapunan.

Makikita sa nangungusap na mata ng mga bata ang maralitang buhay na kanilang kinabibilangan.

Ang bawat pigura sa larawan ay tunay na mga batang mahihirap na may kani-kaniyang kuwento sa likod ng kuwadro na pinanggalingan ng inspirasyon ni Velasco.

Nobelang tumatakalay sa ‘mail-order bride’

KILALA’T natatangi sa buong mundo ang mangga ng Pilipinas dahil sa tamis nito’t pagkakahawig sa isang ginintuang puso.

Sa ganitong wangis iginuhit ng Don Carlos Palanca Memorial awardee na si Marivi Soliven ang kaniyang mga karakter sa nobela niya na nagkamit ng pinakamataas na gantimpala sa kategorya ng nobelang isinulat sa Ingles ng Palanca awards noong taong 2011 na “The Mango Bride.”

Inilimbag ito ng tanyag na palimbagan na Penguin Books at inilunsad ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS) kasama ng National Book Development Board (NBDB) sa Tanghalang Teresita Quirino ng Benavides building noong ika-30 ng Agosto.

Malikhaing Pagsulat, dapat bang gawing programang pangkolehiyo?

POSIBLENG magkaroon na naman ng bagong kurso sa Faculty of Arts and Letters.

Naniniwala si Cristina Pantoja-Hidalgo, direktor ng UST-Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS), na kailangan ng UST ang isang undergraduate course sa Creative Writing.

Sa kasalukuyan, kakaunti lamang ang pumapasok sa kursong Creative Writing sa UST-Graduate School at masisisi ito sa kawalan ng kaakibat nitong undergraduate course, ayon kay Hidalgo.

Ayon sa kanya, malaki ang magiging pagkakaiba ng kursong ito sa isa pang kursong pampanitikan ng AB—ang AB Literature dahil iikot ito sa mga writing workshop kung saan paiigtingin ang talinot kakayahan ng mga estudyante sa pagsulat ng katha, tula, at panitikang pambata.

Filipinas

MASUSUKAT ba sa pagpapalit ng isang titik ang pagkakakilanlan ng isang bansa?

Noong Abril, naglabas ng isang resolusyon ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang ahensiyang pangwika sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo ng bansa, ang pagbabalik ng “Filipinas” mula sa kasalukuyang opisyal na pangalan ng bansa na “Pilipinas.”

Ayon sa kapasiyahan, ang pagbabagong ito ay naglalayong palaganapin ang modernisadong katawagan na kumikilala rin sa ating kasaysayan. Dagdag pa rito, ang resolusyon daw ay alinsunod sa reporma sa Ortagrapiyang Pambansa na ipinagtibay lamang noong Marso.

Yamang saliksik sa wikang Filipino

SA PAGTUTULUNGAN ng Departamento ng Filipino at ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), sampung saliksik na tumatalakay sa wikang Filipino at mga usaping kultural ang tinalakay sa ikatlong taon ng “Saliksikan” na ginanap noong Agosto 2 sa multi-purpose hall ng UST Alfredo M. Velayo-College of Accountancy.

Pangunahing layunin ng PSLLF, na itinatag noong 2008, na itaguyod ang mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon at mga saliksik.

Sa kumperensiya, isa sa mga mananaliksik na nagbahagi ay si Elenita Mendoza, propesor sa Accountancy. Ayon sa kaniya, sa saliksik niyang “Pagsasalin ng mga Termina sa Akawntans,” ang pagsasalin ng mga wikang banyaga sa wikang Filipino ay mayroong mga sinusunod na antas.

‘Pitak ng Wikang Pilipino’ sa ‘V’

BAGO PA man nagkaroon ang Varsitarian ng regular na seksiyong “Filipino,” naglalathala na ang naturang pahayagan ng mga mag-aaral ng “Pitak ng Wikang Pilipino,” isang bahagi na inilalaan noon para sa mga kontribusyon ng mga estudiyante ng Unibersidad.

‘Makiisa sa mahihirap, iwaksi ang korupsiyon’ – Tagle

13 Agosto 2013, 3:37 p.m. - HINIKAYAT ni Kardinal Luis Antonio Tagle, arsobispo ng Maynila, ang mga mambabatas na makibagay at makiisa sa mga mahihirap na Pilipino upang tuluyang maiwaksi ang kultura ng korupsiyon.

“Kung maglalakad ang mga [opisyal ng gobyerno] sa gabi at makikita lamang nila sa lansangan ang mga Pilipinong naghihirap, hindi na nila iisiping makibahagi sa isyu ng pork barrel,” ani Tagle sa isang pulong-balitaan kaninang umaga sa UST Quadricentennial Pavilion.

UST nagbigay-pugay kay Nelson Mandela

02 Agosto 2013, 5:23 p.m. - HINIKAYAT ang mga Tomasino na maglaan ng animnapu’t pitong minuto ng paglilingkod sa kapwa bilang pagkilala sa animnapu’t pitong taong paglilingkod sa mga mahihirap ni Nelson Mandela, dating pangulo ng South Africa.

Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng traveling exhibit na nagpupugay sa mga nagawa ng dating pangulo sa Tan Yan Kee Student Center lobby kaninang umaga, inilarawan ni Fr. Herminio Dagohoy O.P., rektor ng UST, si Mandela bilang isang taong may prinsipyo na ipinaglaban ang kanyang paniniwala kahit na ang kapalit nito ay ang kanyang kalayaan.

LATEST