NOON PA man ay bukas na ang mga kababaihang mag-aaral ng Unibersidad ukol sa usaping kalayaan, lalo na sa halalan.

Ayon sa ipinatupad na batas ng Philippine Commission noong 1907 na siyang nagbigay-karapatan sa mga Pilipino na bumoto, ang mga kalalakihan na nasa edad na 23 pataas lamang ang maaaring bumoto. Hindi kalaunan, naging matunog na isyu sa bansa ang pagbibigay ng patas na kapangyarihan sa mga kababaihang maghalal ng mga opisyal sa gobyerno.

Noong Setyembre 1931, naging hati ang saloobin ng mga kababaihang Tomasino ukol sa karapatan ng mga kababaihang maghalal at mahalal.

Sa 431 na mga bumoto, 160 lamang ang sumang-ayon samantalang 220 ang sa tingin nila ay hindi pa panahon upong sumali ang mga kababaihan sa ganitong mga usapin. Ang 51 na boto ay sumagot nang maaaring bumoto ang mga Pilipina ngunit hindi puwedeng mahalal o maaaring maluklok sa puwesto ngunit hindi dapat pahintulutang bumoto.

Pinakamaraming sumang-ayon sa College of Education, ang kolehiyo na may pinakamalaking populasyon ng mga kababaihan noong panahong iyon. Sa 273 bumoto mula sa naturang kolehiyo, 122 ang sumang-ayon habang 113 naman ang hindi. Tatlumpu't walo naman ang pumili ng ikatlong pagpipilian.

Samantala, pinakamaraming hindi pumayag naman sa College of Pharmacy, kung saan sa 126 na mga bumoto, 85 ang nagsabing walang karapatan ang mga kababaihang maghalal at 38 lamang nagsabing puwede silang bumoto o pwede lang sila mahalal.

Sa naging akda ng isang kontribyutor na estudyante sa Varsitarian noong 1932, ipinahayag niya na may karapatan ng mga kababaihang sumali sa usaping pulitikal at dapat lamang maging patas sila ng mga kalalakihan.

READ
UST proposes alternative uniforms for scorching summer

Ang mga babae, dagdag pa ng may-akda, ay maaaring maging huwaran sa mga nasa puwestong nasilaw na sa kanilang kapangyarihan at yaman. Ngunit, dapat isaang-aalang din daw ng mga Pilipino na kailangang ihanda ang mga kababaihan sa maduming kalakaran ng pulitika.

Paglipas ng limang taon, mahigit 400,000 na mga kababaihang ang bumoto para isabatas ang kalayaan nilang bumoto.

Tomasino siya

Alam n’yo ba na isang Tomasino ang itinuturing na isa sa mga haligi ng structural engineering sa bansa?

Si Servando Aromin, nagtapos sa UST High School noong 1952 at ng BS Civil Engineering noong 1956, ay ang pangulo at principal structural engineer sa Aromin and Sy and Asscoiates, isa sa mga pinakatanyag structural engineering firms sa bansa.

Ilan sa mga tanyag na gusaling kaniyang itinayo ay ang Ayala Tower One, Manila hHotel, Cultural Center Theater, Pacific Plaza Towers at Manila Pavilion Hotel.

Pinarangalan din siya ng UST Engineering Alumni Association bilang “Outstanding Alumnus” noong 1996 at “Golden Jubilee Award” ng UST Alumni Association noong 2002.

Bukod sa mga ibinigay sa kaniyang mga parangal ay fellow din Aromin sa mga samahan pang-inhnyero, tulad ng: American Society of Civil Engineers, Association of Structural Engineers of the Philippines at Philippines Institute of Civil Engineers.

Tomasalitaan

KARAKA-RAKhA (PA)—bigla; kaagad-agad

Hal. Karaka-rakang niyang ipinasa ang kaniyang papel dahil wala na siyang maisip na isasagot sa mga tanong.

Mga Sanggunian

The Varsitarian: Tomo V, Blg. 7, Setyembre 16, 1931

The Varsitarian: Tomo VI, Blg. 2, February 2, 1932

Aning, Jerome. Women mark anniversary of right to vote. Nakuha sa http://newsinfo.inquirer.net/4285/women-mark-anniversary-of-right-to-vote

READ
MMDA opens office across University

Aromin, Servano. Nakuha sa TOTAL Awards, Grand Alumni Homecoming 1997 Souvenir Program

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.