Kuha ni Nazzi M. Castro
7 Agosto 2014, 9:20 p.m.
– GINAWARAN ng UST si George Ty, tagapangulo ng Metrobank Group of Companies, ng honorary doctorate degree sa humanidades dahil sa iba’t ibang proyektong pangkawanggawa na pinamunuan niya.

Ayon kay Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P., iginagawad ng Unibersidad ang mga honorary doctorate degrees bilang tanda ng karangalan at respeto sa mga karapat-dapat na Pilipinong naging instrumento ng pag-unlad.

“We confer the honorary degree [on him] not only for his achievements in the banking industry but for his works that embody Thomasian values of commitment, competence and compassion,” ani Dagohoy sa kanyang talumpati sa Medicine Auditorium, Huwebes.

Sa kanyang talumpati ng pagtanggap, sinabi ni Ty na espesyal ang karangalang natanggap dahil UST ang nagbigay nito.

“I have received honorary degrees from different institutions. But this is special because it’s from UST, my school,” aniya.

Binigyang-diin ni Ty sa kanyang talumpati na ang karanasan ang pinakamahusay na guro.

“Experience can be a very hard and strict teacher, sometimes even cruel, but the lessons you can learn from experience [are the ones] you will never forget,” ani Ty.

Ang pagiging matapat sa mga pinagsisilbihan ang susi upang maging isang matagumpay na negosyante,dagdag pa niya.

“To be a businessman, one has to be law abiding citizen. One must engage only in legitimate and proper businesses,” aniya.

Ayon pa kay Ty, responsibilidad ng isang matagumpay na institusyong pinansyal na makibahagi sa pagkamit ng kaunlaran sa bansa.

Pinangunahan ang pagbibigay-parangal nina Dagohoy, Secretary General P. Winston Cabading, O.P. at Vice Rector for Academic Affairs Clarita Carillo, kasama ang dekano ng Faculty of Arts and Letters na si Michael Anthony Vasco, at rehente na si P. Joseto Bernadas, O.P.

READ
Former rector reminds 'V' to 'find reverence in silence' on 87th year

Noong 1962 sa edad na 30, itinatag ni Ty ang Metrobank na ngayo’y isa sa pinakamalaki sa bansa. Binuo naman niya ang Metrobank Foundation noong 1979 sa paglalayong maglunsad ng mga programang pang-kaunlaran para sa bansa at sa Asya.

Pampitumpu’t lima si Ty na ginawaran ng honorary doctorate ng UST. Huling nagbigay ang Unibersidad ng honorary doctorate noong 2009. R. A. Vergara, Jr.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.