MAGPAPATUPAD ng sistemang online ang Office of Admissions (OFAd) para sa lahat ng magnanais kumuha ng UST Entrance Test (USTET) sa taong pang-akademiko 2015-2016.

Ayon kay Marie Ann Vargas, direktor ng OFAd, isang hakbang ng Unibersidad ang naturang pagbabago upang sumabay sa bilis ng teknolohiya at mapadali ang proseso ng aplikasyon.

“This is the idea of making things easier for our applicants. Basically, they can do everything online,” aniya. “The only time they will come to UST is when they take the exams.”

Sa bagong sistema ng aplikasyon, sasagutan at ida-download ang application form mula sa website ng OFAd (ofad.ust.edu.ph).

Ang nasagutang application form kalakip ng iba pang kailangang dokumento—kopya ng grades form at nasagutang information survey, test permit na ida-download rin sa website ng OFAd makaraan ang tatlong araw pagkatapos magbayad ng P500 na exam fee sa Metrobank, isang 2×2 ID picture na may pangalan at lagda ng aplikante, kopya ng NSO birth certificate, ID sa mataas na paaralan, at deposit slip ng exam fee—ay ipadadala sa OFAd sa pamamagitan ng kahit na anong courier service.

Ang USTET ay gaganapin sa Agosto 24, Seyembre 28 at Disyembre 7 ngayong taon. Samantala, sa halip na first choice at second choice na programang pinili, tatawagin na ang mga ito bilang priority program at alternative program.

Inaasahang lalabas online ang resulta ng USTET sa ika-28 ng Enero 2015. Hindi na rin ito ipapaskil sa loob ng Unibersidad at wala na ring matatanggap na sulat ang mga aplikante tungkol sa resulta ng kanilang pagsusulit.

READ
Beyond A Scribe's Self-Exile

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.