(Litrato mula sa Facebook profile ni Noel Azcona)
11 Agosto 2015, 10:31 p.m. –
KABILANG
ang dalawang Tomasino sa mga pangunahing mang-aawit sa “La
Cenerentola,” ang Italyanong comic opera ni Giaochino
Rossini na tatanghalin sa Meralco Theater, ika-15 ng Agosto.
Sina Noel Azcona at Ronaldo Abarquez, na parehong nagtapos
sa Conservatory of Music, ay bida sa pitong iba pang tampok na mang-aawit sa
tugmaan. Si Azcona ang gaganap ng pangunahing kontrabida na si Don Magnifico,
ang amain ni Cenerentola, samantalang gaganap naman si Abarquez sa papel na
Propesor Alidoro.
“I have [sung] many Italian songs and a number of Italian
operas but this particular opera is quite challenging,” ani Azcona sa
panayam ng Varsitarian.
Ipamamalas ng mga soloista ang mga karakter gamit lamang ang
pag-awit, sa pamumuno ni Darrel Ang, direktor at konduktor ng konsiyerto kasama
ang Manila Symphony Orchestra.
Taglay ng kuwento ng “La
Cenerentola” ang tema ng klasikong “Cinderella,” kung
saan si Angelina, isang dalagang nagtataglay ng angking kagandahan at kabaitan,
ay nasa sa ilalim ng pang-aalipin ng kaniyang amain at dalawang step sisters. Tulad
na lamang ng nangyari sa klasiko, nakamit ni Angelina ang kaniyang masayang
kapalaran nang magka-ibigan sila ng isang prinsipe.
Ang mga malilikom mula sa konsiyerto ay mapupunta sa Juan
Antonio Lanuza Endowment Fund for Advance Vocal Studies upang
makatulong sa mga kabataang may hangaring maging mang-aawit. Amierielle
Anne A. Bulan