27 Agosto, 205, 11:37 am — IKALIMA ang UST sa listahan ng top-performing schools sa katatapos
na Physician Licensure Examination ngayong Agosto, habang limang Tomasino naman
ang kabilang sa 10 na may pinakamatataas na marka.

Nagtamo
ang Unibersidad ng 98.31 porsiyentong passing rate kung saan 408 mula sa 415 na
kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Bahagya
itong mas mababa kumpara sa nakaraang taon kung kailan itinanghal ang UST
bilang ikalawang top-performing school matapos makakuha ng passing rate na
98.92 porsiyento (460 nakapasa sa 465 na kumuha ng pagsusulit).

Gayunpaman, pinakamarami pa
rin ang bilang ng mga bagong duktor na galing sa UST.

Nanguna sa listahan ng top-performing schools
ngayong taon ang Cebu Institute of Medicine at University of the
Philippines-Manila na pawang nagtamo ng 100-porsyentong passing rate.

Limang Tomasino ang nakapasok sa listahan ng
10 nakakuha ng pinakamatataas na marka. Pumangalawa si Jan Christian Feliciano
(90 porsyento), ikalima si George Michael Sosuan (89.25), ika-anim si Ana
Bianca Peralta (89.17), ikapito si Thomas Vincent Vergara (89.08) at pangsampu
naman si Lester Bryan Co (88.83).

Nanguna si Andrew Tiu mula sa Cebu Institute
of Medicine sa markang 90.67 porsyento.

Tumaas sa 85.28 porsyento ang pambansang
passing rate para sa taong ito kung saan 2,491 mula sa 2,921 na kumuha ng
pagsusulit ang pumasa, kumpara sa 81.25 porsyento o 2,218 na pumasa mula sa
2,730 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon.

Kasama
sa mga bagong duktor ang dating patnugot sa agham at teknolohiya ng Varsitarian na
si Alena Pias Bantolo, at dating manunulat sa seksiyong Pintig na si Camille
Abigael Alcantara. Kathryn V. Baylon

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.