Mga Tomasino, hinimok na ipagpatuloy ang paghahanap sa katotohanan

0
3810
Si Arsobispo Gabriele Caccia, ang kinatawan ng Santo Papa sa Filipinas, sa ginanap na taunang Misa de Apertura sa simbahan ng Santisimo Rosario sa UST. (Kuha ni Deejae S. Dumlao/The Varsitarian)

HINIMOK ng kinatawan ng Santo Papa sa Filipinas na si Arsobispo Gabriele Caccia ang mga Tomasino na gawing gabay ang Espiritu Santo sa paghahanap at paghahayag ng katotohanan, sa taunang Misa de Apertura na naghudyat ng simula ng taong akademiko sa Unibersidad.

“We are all on the journey, we can go further and deeper, but what is important is [the] passion for truth and the passion for freedom which is the passion for God,” wika ni Caccia sa kaniyang homiliya sa Misang ginanap sa simbahan ng Santisimo Rosario.

Binigyang-diin ni Caccia na ang paghahanap sa katotohanan ay hindi lamang natatapos sa pag-aaral ng mga libro kung hindi sa pagkakaroon ng buhay na may malalim na pananampalataya.cleardot.gifIhinalintulad ni Caccia ang patuloy na paghahanap sa katotohanan sa paghahanap sa Diyos, na isang magandang hakbang sa pagsunod sa buhay ni Hesus.

“When we stop looking or searching for the truth, we are guided by other interests, we are not free, we are slaves. Jesus said the truth will make you free… so if you are looking for the truth you are in the good way to be his disciple,” aniya.

Opisiyal na binuksan ni Caccia ang bagong taong akademiko matapos ang selebrasiyon ng Banal na Misa.

Pinangunahan naman ni Prop. Michael Anthony Vasco, dekano ng Fakultad ng Sining at Panitik, ang tradisiyunal na Discurso de Apertura, kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng liberal arts sa pagunlad ng lipunan.

Iginiit niya na ang mga suliranin ng lipunan ngayon ay nangangailangan ng pagtutulungan ng mga propesiyonal mula sa iba’t ibang disiplina.

Ayon sa kaniya, ang Fakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ay patuloy na magsusumikap upang makapagpatapos ng mga mag-aaral na kayang makipagsabayan at manguna sa kani-kanilang industriya. 

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.