ISANG propessor ng Faculty of Arts and Letters ang nakatanggap ng Scholarship Fund mula sa Gobyerno ng Canada noong Hulyo.

Si Clarence Batan, isang propesor ng Sociology, ay aalis sa Agosto 31 papunta ng Canada upang kumuha ng doctorate degree sa Sociology sa Dell House University. Sasagutin ng gobyerno ng Canada ang pag-aaral ni Batan sa naturang Unibersidad.

Bilang despidida at huling pang-akademikong presentasyon ni Batan, na isa ring research associate ng Social Research Center (SRC), ipinaliwanag niya ang kanyang research topic na pinamagatang “The Social Meaning of Texting: A Sociological Account of Young Cellular Phone and Text Users in the case of Manila, Philippines” tungkol sa “texting” ng mga kabataan sa Thomas Aquinas Research Complex noong Agosto 21.

Ang naturang saliksik ang siya ring ipinresenta ni Batan sa 15th World Congress of Sociology noong Hulyo 7-13 sa Brisbane, Australia.

Ayon kay Batan, tungkol sa mundo, galaw, pag-iisip, saliksik at kung paano mas lalong maintindihan ang mga kabataan ang kanyang salisik.

Sinabi ni Batan na pinili niya ang texting dahil isa itong mabisang paraan upang mas maintindihan ang kabataan dahil panitiko sila sa teknolohiyang ito. Dinagdag pa niya na ang mga kabataan ang pangunahing tagapagkalinga at tagapagtaguyod nito.

Dinagdag pa ni Batan na hindi lang isang teknolohikal na kaganapan ang texting kundi isa ring sociological event.

“There are social meanings that we can derive from the interaction between young people and texting. With texting being a social phenomenon, we are tasked to understand it using a sociological perspective,” dagdag ni Batan. Jennifer B. Fortuno and Elka Krystle R. Requinta

READ
Goodbye

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.