Propesor ng civil engineering na si Ogden Javier, pumanaw sa edad na 57

0
4681

PUMANAW si Asst. Prof. Ogden Javier ng Faculty of Engineering sa edad na 57 noong gabi ng ika-4 na Agosto.

Kinumpirma ng isa sa mga kapatid ni Javier na si Carolyn Roberts ang balita sa isang Facebook post.

Pumanaw si Javier matapos ang cardio-respiratory arrest. Negatibo siya sa Covid-19 base sa resulta ng swab test noong siya’y dinala sa hospital.

Si Javier ay nagtapos sa Unibersidad ng Bachelor of Science in Civil Engineering (CE), cum laude, noong 1984 at Bachelor of Science in Electrical Engineering (EE), magna cum laude, noong 1992.

Nagsimula siyang magturo sa Unibersidad noong 1984 at nagsilbing propesor sa Faculty of Engineering sa loob ng 36 na taon.

Noong 2017, pinarangalan si Javier ng Gawad Benavides sa ika-18 na Dangal ng UST Awards, dahil sa kanyang 30 taon ng paglilingkod sa Faculty of Engineering.

“There is a lot to say about my brother who is well-loved by everyone who knew him.  His dedication to teaching and his students is truly remarkable,” wika ni Roberts sa isang panayam sa Varsitarian.

“I think his dedication and passion for teaching reflect in his students who are always proud and grateful to have been under his tutelage,” dagdag pa niya.

Ayon sa dating kaklase ni Javier na si Louie Lucban, ang namayapang propesor ay isang masipag na estudyante noong siya’y nag-aral sa Unibersidad.

“He was humble and quiet but was very knowledgeable and he was also fun to be with especially after school hours. [H]e excelled in our subjects in EE and he did so with ease,” ani Lucban.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang ilang dating estudyante ni Javier sa magkakahiwalay na Facebook post. Inilarawan nila siya bilang mahusay at maalalahanin na propesor.

“Si Sir Ogden `yung matibay na pundasyon ko sa lahat ng nalalaman ko sa engineering ngayon,” ani ng dating estudyante ni Javier na si Angelica Puno.

“Thank you Sir for inspiring a lot of students, the Civil Engineering department needs more professors like you and now they just lost one,” ani Lyanne Vital.

Ayon sa pamilya ni Javier, ipagpapaliban muna ang burol hangga’t hindi pa kumpleto ang kanilang pamilya at binabawi ang quarantine restrictions sa kanilang lugar.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.