KALAHOK ang UST Publishing House (USTPH) na isinagawang Aklatan 2020, ang online at all-Filipino book fair, noong ika-16 hanggang ika -18 ng Agosto.
Nakiisa ang USTPH sa layunin ng Aklatan 2020, isinagawa sa sa e-commerce site na Shopee Philippines, na ipalaganap ang komersiyal na panitikang Filipino.
Ayon kay Asst. Prof. Ma. Ailil Alvarez, direktor ng USTPH, nakatulong ang platapormang online upang mabigyang-pansin ng mga mambabasa ang panitikang lokal.
“All of our titles are literary and scholarly in nature, and one can easily infer this just by surveying the items posted [in our ShopeeMall store]. USTPH continues to live up to its commitment to publish relevant and original materials,” ani Alvarez sa isang panayam ng Varsitarian.
Dagdag ni Asst. Prof. Joselito de los Reyes, awtor ng librong “Finding Teo” na inilathala ng USTPH, mainam ang platapormang online, lalo na sa mga nais mabasa ang panitikang Filipino ngunit hindi abot ang merkadong pisikal.
“Dapat ibukas sa ibang sektor ang pagpapalaganap… [P]ribado at pampubliko, hindi lang sana akademiya ang katuwang, [dahil] may mga LGU (local government units) naman na gusto ang mga ganitong pakikipag-ugnayan,” giit niya sa isang panayam.
Tampok sa Aklatan 2020 ang 35 na lathalain at manunulat.
“Because of the pandemic, we were forced to reimagine the ways we sell our titles. An opportunity came in the form of Aklatan’s partnership with Shopee,” sabi naman ni Asst. Prof. Ned Parfan, deputy director ng USTPH, sa isang panayam. Leigh Anne E. Dispo, Sofia Bernice F. Navarro