Abdul, ‘di makakalaro kontra UE

0
364

Kuha ni Karl Cedrick G. BascoKUMPIRMADONG hindi makakalaro si Karim Abdul mamaya sa laban ng UST Growling Tigers kontra University of the East Red Warriors.

Naka-confine si Abdul sa UST Hospital mula pa noong Lunes, Agosto 11, dahil sa viral infection at dehydration matapos ang kanilang bakbakan laban sa Ateneo Blue Eagles noong Agosto 6.

Matatandaan na naglaro pa rin si Abdul laban sa De La Salle Green Archers noong Linggo, Agosto 10, sa kabila ng kaniyang trangkaso.

Subalit hindi na nakapag-ensayo si Abdul noong Lunes at tuluyan nang na-admit sa UST Hospital, ayon kay head coach Bong Dela Cruz.

Umasa pa kahapon si Dela Cruz na gaganda ang kondisyon ni Abdul at makakalabas siya ng ospital ngayong umaga. Ngunit ayon kay Dr. Raul Palma, team physician ng Growling Tigers, malabo nang makalaro ang Cameroonian laban sa UE.

Tiniyak naman ni Palma na hindi malala ang lagay ng manlalaro.

Maliban kay Abdul, may iniinda ring sprained left ankle si Kevin Ferrer. Angelica P. Abello at Karl Cedrick G. Basco

LEAVE A REPLY