Junior Tigershark, nagtala ng bagong rekord sa Singapore

0
697

HUMAKOT ng tatlong ginto at tatlong pilak na medalya at nakapag-set ng bagong records ang isang Junior Tigershark sa kakatapos lamang na 2015 Singapore Invitational Swimming Championship na ginanap sa Singapore Island Country Club noong ika-2 ng Agosto.

Nasungkit ni Junior Tigershark Sean Terence Zamora ang tatlong gintong medalya sa 100-meter butterfly, 100-meter backstroke at 200-meter individual medley events sa kategoryang boys’ 14-15.

Bukod pa rito, nagawang basagin ni Zamora ang 100-meter butterfly record matapos magtala ng 1:01.27 minuto kumpara sa 1:02.16 na tala ni Joseph Schooling na isang multi-gold medalist sa katatapos lang na Incheon Asian Games at Southeast Asian Games.

Nagtala rin ng bagong rekords na 1:02.95 minuto sa 100-meter backstroke at 2:16.75 minuto sa 200-meter individual medley si Zamora upang maungusan ang mga rekords ni Schooling na itinala noong 2010.

Subalit kinapos ang Junior Tigershark sa mga events na 50-meter backstroke, 100-meter freestyle at 100-meter breaststroke, dahilan upang makapag-uwi lamang siya ng pilak sa mga ito.

Para kay Zamora, ang kanyang exposure sa mga internasiyonal na paligsahan ay makapagbibigay sa kaniya ng karanasan at kumpiyansa sa kanyang pagsabak sa darating na UAAP.

“My focus is to improve myself so both winning gold and breaking records are just secondary. Ang sa akin lang ay ma-improve ko ‘yung sarili ko, masaya na ako na ma-experience ‘yung ganoong leagues,”ani Zamora.

Kinilala rin ang kahusayan ni Zamora sa larangan ng paglanggoy matapos siyang gawaran ng Philippine Swimming League bilang Male Swimmer of the Year noong Enero.

Noong nakaraang UAAP Season 77, nag-uwi rin si Zamora ng dalawang gintong medalya mula sa 200-meter individual medly at 100-meter butterfly events at apat na pilak na medalya mula naman sa 200-meter backstroke, 50-meter backstore, 200-meter freestyle at 200-meter butterfly events.

LEAVE A REPLY