Saturday, May 18, 2024

Tag: Agosto 29

Pagsangga para sa titulo

BEACH VOLLEYBALL

Tiger Spikers
Nakaraang taon: Ikalawang puwesto
Prediksiyon: Kampeon

Pangungunahan ni Season 76 Rookie of the Year Kris Roy Guzman ang kampanya ng Tiger Spikers ngayong taon patungo sa titulo kasama ang bagong katambal na si Anthony Lemuel Arbasto.

Mamumuhunan sa depensa ang koponan bunsod ng pagkawala ng beteranong si Mark Gil Alfafara na pinangunahan ang koponan sa huling dalawang taon.

“Nag-mature na siya (Guzman) at saka nakapaglaro na siya sa Nestea [beach volleyball competition] kaya malaki‘yung advantage niya,” ani Tiger Spikers assistant coach John Paul Doloiras.

Lady Booters, La Salle nagtabla sa Football Cup

HINDI nagpatinag ang UST Lady Booters sa endgame at naitabla ang laban kontra De La Salle University Lady Archers, 1-1, sa Philippine Football Federation Women’s Invitational Cup sa Rizal Memorial Stadium noong ika-23 ng Agosto.

Matapos ang ilang missed attempts, naibuslo ni Lady Booter Charisa Lemoran ang equalizer sa penalty time sa ika-91 na minuto galing sa assist ni Hazel Lustan.

Tangan ngayon ng UST ang 1-1-0 win-draw-loss nakartada.

Nagkaroon ng pagkakataong maitabla ng Lady Booters ang laro nang mas maaga sa ika-83 at ika-88 na minute ng regulation period mula sa mga atake ni Lemoran, ngunit matibay ang depensa ng La Salle.

UST, panatag ang loob sa Season 78

HAMON ngayon sa UST na depensahan ang UAAP General Championship sa pagsisimula ng bagong UAAP season sa Sept. 5.

Ayon kay Gilda Kamus, kalihim ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) at board member ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP), aasahan ang mas mahigpit na kumpetisyon sa pagitan ng mga unibersidad sa darating na Season 78 upang masungkit sa pangkalahatang kampeonato.

“Everybody can be a champion for a particular season. We win some, we lose some. This year we [will] try our best. Our athletes always give their best, but other schools also prepare,” ani Kamus.

Junior Tigershark, nagtala ng bagong rekord sa Singapore

HUMAKOT ng tatlong ginto at tatlong pilak na medalya at nakapag-set ng bagong records ang isang Junior Tigershark sa kakatapos lamang na 2015 Singapore Invitational Swimming Championship na ginanap sa Singapore Island Country Club noong ika-2 ng Agosto.

Nasungkit ni Junior Tigershark Sean Terence Zamora ang tatlong gintong medalya sa 100-meter butterfly, 100-meter backstroke at 200-meter individual medley events sa kategoryang boys’ 14-15.

Bukod pa rito, nagawang basagin ni Zamora ang 100-meter butterfly record matapos magtala ng 1:01.27 minuto kumpara sa 1:02.16 na tala ni Joseph Schooling na isang multi-gold medalist sa katatapos lang na Incheon Asian Games at Southeast Asian Games.

Tigresses nakahandang bumawi

KUMPIYANSA ang UST Growling Tigresses na mamamayagpag sila sa darating na UAAP Season 78 kahit na underdog ang tingin sa kanilang nakararami.

Sa paglisan ng mga beterano na sina Mythical Five member Lore Rivera, three-point specialist Kristine Siapoc, at Kim Reyes, naging maliit at undermanned ang lineup ng koponan, ngunit hindi ito nakikitang hadlang ng Tigresses.

Bagkus, ginawa nila itong motibasyon upang mapaigting ang kanilang running system.

“From the start hanggang dulo tatakbo nang tatakbo ang mga players natin,” ani head coach Chris Cantojos sa Varsitarian. “Hindi tayo magso-slow down o magre-relax.”

Tiwala si team captain Maica Cortes na kahit maliit ang kanilang lineup, kakayanin pa rin nilang makipagsabayan.

Tigers, kumbinsidong makaaabot sa Final 4

SA PAGBUBUKAS ng panibagong UAAP season, muling nangangakong magpapakitang-gilas ang UST Growling Tigers matapos ang nakadidismayang kampanya noong nakaraang taon.

Siguradong gutom sa kampeonato ang Tigers dahil 2006 pa noong huli nilang masungkit ang korona.

Para kay head coach Bong dela Cruz, malayo ang mararating ng Tigers ngayon kung maiiwasan lang ang injuries.

“Last year kasi ‘di healthy ‘yung team, ‘di naman natinp uwedeng sabihin na alibi sa tao na hindi healthy ‘yungteam. ‘Pag healthy, we can go all the way. Ang target is Final Four and next is finals,” ani dela Cruz.

Bonleon, bagong bangis na aabangan sa Tigers

Matapos ang dalawang taong pananatili sa sidelines dahil sa UAAP residency rule, handa nang magpakitang-gilas si Mario Bonleon para sa UST Growling Tigers.

Magiging isa sa mga scoring options ng koponan si Bonleon matapos itong magtala ng double digit outputs sa nakaraang FilOil Flying V Premier Cup bilang shooting guard, isa sa mga puwestong nagkaproblema ang UST noong nakaraang season dahil sa injuries nina Ed Daquioag at Kevin Ferrer.

Nagpamalas ang dating miyembro ng RP Under-18 Youth Team ng kaniyang maalab na scoring nang siya ay magtala ng 13 sa kaniyang 22 puntos sa huling yugto ng kanilang panalo laban sa Mapua Institute of Technology, 78-59, noong ika-30 ng Abril.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe