Tigresses nakahandang bumawi

0
593

KUMPIYANSA ang UST Growling Tigresses na mamamayagpag sila sa darating na UAAP Season 78 kahit na underdog ang tingin sa kanilang nakararami.

Sa paglisan ng mga beterano na sina Mythical Five member Lore Rivera, three-point specialist Kristine Siapoc, at Kim Reyes, naging maliit at undermanned ang lineup ng koponan, ngunit hindi ito nakikitang hadlang ng Tigresses.

Bagkus, ginawa nila itong motibasyon upang mapaigting ang kanilang running system.

“From the start hanggang dulo tatakbo nang tatakbo ang mga players natin,” ani head coach Chris Cantojos sa Varsitarian. “Hindi tayo magso-slow down o magre-relax.”

Tiwala si team captain Maica Cortes na kahit maliit ang kanilang lineup, kakayanin pa rin nilang makipagsabayan.

“Dati kasi lahat ng mga senior talagang may mga talent. Ngayon kahit maliliit, pursigido sila na lumaban. Kumbaga nandoon ‘yung buong puso nila, hindi kagaya last year, confident na papasok pero walang napuntahan,” wika ni Cortes.

Hindi magiging madali ang kampanya ng Tigresses dahil kapwa malalakas ang lineup ng De La Salle University at defending champions National University Lady Bulldogs.

Gayunpaman, magiging kritikal ang karanasan at kumpiyansa na nakuha ng koponan sa kanilang pagkapanalo ng kampeonato sa Filipino-Chinese Basketball League at pagkamit ng ikalawang puwesto sa Fr. Martin Pre-season Cup.

“Malayo ‘yung mararating namin, ngayon iba ‘yung samahan namin. Okay ‘yung commitment ng lahat at ang goal namin, [mag-champion], hindi lang Final Four o runner-up,” ani Cortes.

Pangungunahan ni Cortes ang Tigresses samantalang magiging kritikal ang mga magiging kontribusyon nina Jen Angeles, Candice Magdaluyo at Sophia Felizarta.

Malaki ang inaasahan sa kapatid ni Lore na si rookie Elondra Rivera na makapag-ambag kaagad sa koponan kasama sila Christina Fenus at Ruby Teresa Portillo nakapuwa nanggaling sa Team B.

LEAVE A REPLY