UST, panatag ang loob sa Season 78

0
646

HAMON ngayon sa UST na depensahan ang UAAP General Championship sa pagsisimula ng bagong UAAP season sa Sept. 5.

Ayon kay Gilda Kamus, kalihim ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) at board member ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP), aasahan ang mas mahigpit na kumpetisyon sa pagitan ng mga unibersidad sa darating na Season 78 upang masungkit sa pangkalahatang kampeonato.

“Everybody can be a champion for a particular season. We win some, we lose some. This year we [will] try our best. Our athletes always give their best, but other schools also prepare,” ani Kamus.

Aniya, mas naging sabik diumano ang mga Tomasino na makamit ang overall championship matapos makaranas ng dalawang taong pagkabigo kontra sa De La Salle University.

Sa kabilang banda, hindi hadlang ang hindi pagkakaroonng UST ng “prized rookies” upang makamit ang titulo sa ikalawang sunod na taon, bagkus isa itong oportunidad upang makagawa ang UST ng sarili nitong mga dekalibreng manlalaro, ani Kamus.

“‘Yung passion ng players, ‘yung willingness nila to win, matters. Malaking factor ang recruitment. Sabihin na natinna [‘yung iba] nakukuha nila ‘made’ na. Tayo, gumagawang [sariling] ‘stars’,” ani Kamus.

Malaking parte ang gagampanan ng individual sporting events at kumpiyansa si Kamus na mapapanatili ng Unibersidad ang overall championship sa darating naseason.

Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang UST sa dami ng pangkalahatang kampeonato, taglay ang 40 na titulosimula nang maitatag ang UAAP noong 1938.

LEAVE A REPLY