Lady Booters, La Salle nagtabla sa Football Cup

0
586

HINDI nagpatinag ang UST Lady Booters sa endgame at naitabla ang laban kontra De La Salle University Lady Archers, 1-1, sa Philippine Football Federation Women’s Invitational Cup sa Rizal Memorial Stadium noong ika-23 ng Agosto.

Matapos ang ilang missed attempts, naibuslo ni Lady Booter Charisa Lemoran ang equalizer sa penalty time sa ika-91 na minuto galing sa assist ni Hazel Lustan.

Tangan ngayon ng UST ang 1-1-0 win-draw-loss nakartada.

Nagkaroon ng pagkakataong maitabla ng Lady Booters ang laro nang mas maaga sa ika-83 at ika-88 na minute ng regulation period mula sa mga atake ni Lemoran, ngunit matibay ang depensa ng La Salle.

Kontrolado ng UST ang ball possession at nagtala ng 15 on-target goal attempts subalit nahirapan sila sa pag-iskor dahil sa maling spacing sa loob ng pitch.

“Ang nangyayari, more on crowded spaces kami so hindi namin nako-convert into goals. So ang gagawin namin next time, kailangan mag-widen at mag-communicate para maka-convert,” ani acting head coach Geraldine Cabrera.

Maagang nakapuntos ang Lady Archers sa likod ng ika-39 minuto na goal ni Nicole Andaya ngunit nahirapan nasilang makaiskor muli dahil sa higpit ng depensa ng UST na pinangunahan ni goalkeeper Ivy Lopez.

Samantala, ginulat ng Lady Booters, na nagtapos sa huling standings noong nakaraang UAAP season, angdefending women’s football champions Far Eastern University, 1-0, sa kanilang unang laro noong ika-21 ng Agosto.

LEAVE A REPLY