Monday, October 14, 2024

Tag: September 18, 2013

‘Aklatan’: Pagpapalawig ng pagtangkilik sa lokal na mga libro

“INILALAKO” dapat ng mga manunulat ang kanilang mga akda hindi lamang sa mga palimbagan kung hindi pati na rin sa mga mambabasa.

Ito ang naging talakayan ng mga batikang manunulat at kritiko sa isinagawang Aklatan, ang kauna-unahang pagtitipon ng mga lokal na may-akda at iba’t ibang palimbagan, Setyembre 7 sa Alphaland Southgate Mall sa Makati.

Ang Aklatan ay pinangunahan ng Visprint Inc., isang lokal na palimbagan, katuwang ang National Book Development Board.

Ayon kay Isagani Cruz, isang kritiko at manunulat, mahalaga na ang manunulat mismo ang nagpapakilala ng kaniyang mga akda mula sa mga palimbagan hanggang sa mga dinadaluhan nilang mga panayam.

Bawal na ba ang wikang Filipino sa paaralan?

SA KABILA ng pagsusulong ng Department of Education ng programang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) na nasa ikalawa na nitong taon, lumabas ang balita tungkol sa pagpapalipat ng Saviour’s Christian Academy sa Laoag, Ilocos Norte sa tatlo nitong mag-aaral na nasa ikawalong baitang matapos mahuling nag-uusap sa silid-aralan gamit ang wikang Iloko.

Ayon sa patakaran ng paaralan, ang paggamit ng katutubong wika ay mahigpit na ipinagbabawal hindi lamang sa mga estudiyante at sa mga guro nito pati na rin ang mga magulang o sa mga sumusundo sa mga mag-aaral na nasa loob ng paaralan.

Bagong mga saliksik sa Maynila, tinalakay sa taunang kumperensiya

UPANG ipaalala ang kahalagahan sa kasalukuyan ng kasaysayan ng Maynila, idinaos ang ika-22 Annual Conference of the Manila Studies Association (MSA) sa Thomas Aquinas Research Complex Auditorium, Agosto 27 hanggang 29.

Unang ginanap sa UST noong 1992, ang kumprensiya ay pinangungunahan ng MSA, isang non-profit professional organization na nagsusulong pagyamanin ang akademikong usapin ukol sa kasaysayan ng kabisera at ng bansa, kasama ang UST Department of History at ng Commission on Historical Research ng National Commission for Culture and the Arts.

Sa likod ng mga pelikula

Sinaunang mga cheerdance

TRADISYON sa Unibersidad ang pagsuporta sa atletang Tomasino.

Taong 1932, nagsimulang makilala ang mga palaro sa pagitan ng iba’t ibang kolehiyo ng UST at iba pang paaralan sa Maynila. Setyembre ng taong iyon, isang bonfire rally ang naging pambungad ng UST sa championship game sa basketball sa paitan ng Unibersidad at National University (NU). Pinangunahan ito ng Alpha Sigma Tau, ang pinakaunang fraternity sa Unibersidad, faculty club, at student council.

Kasabay nito ang pagbubukas ng cheering classes ng dating Department of Physical Education (PE) sa pagnanais ng UST na magkaroon ng cheering squad, dahil ayon kay Tomas Barha, dating direktor ng PE, malaking tulong ang pep band sa motibasyon ng mga manlalaro.

LATEST