TRADISYON sa Unibersidad ang pagsuporta sa atletang Tomasino.

Taong 1932, nagsimulang makilala ang mga palaro sa pagitan ng iba’t ibang kolehiyo ng UST at iba pang paaralan sa Maynila. Setyembre ng taong iyon, isang bonfire rally ang naging pambungad ng UST sa championship game sa basketball sa paitan ng Unibersidad at National University (NU). Pinangunahan ito ng Alpha Sigma Tau, ang pinakaunang fraternity sa Unibersidad, faculty club, at student council.

Kasabay nito ang pagbubukas ng cheering classes ng dating Department of Physical Education (PE) sa pagnanais ng UST na magkaroon ng cheering squad, dahil ayon kay Tomas Barha, dating direktor ng PE, malaking tulong ang pep band sa motibasyon ng mga manlalaro.

Noong una, nagtangka ang departamentong bumuo ng orkestra para sa mga laban ng UST, ngunit nabuwag din ito dahil sa kakulangan sa oras ng mga miyembrong hindi nagkakatugma ang oras sa pag-eensayo. Karamihan ng mga miyembro ay nagmula sa dating College of Liberal Arts at High School Department.

Kaya naman nang magkaroon ng mga klase sa cheering, nagkaroon ng sapat na oras ang pag-eensayo hindi lamang ang mga miyembro ng pep band kundi pati na rin ang ibang estudiyante ng Unibersidad.

Sa taong 1934 opisyal na nabuo ang pep band ng UST.

Tomasino siya

Alam n’yo bang isang Tomasino na doktor ang dating Deputy Secretary-General ng Philippine Taekwondo Association?

Si Manalo Gabriel, nagtapos ng kursong Physical Therapy noong 1979 at Medicine noong 1985, ay ang kauna-unahang Filipino na nagturo ng Taekwondo sa South Korea.

Noong 1980, nakapagturo siya ng naturang isports sa iba’t ibang paaralan. Samantala, taong 1990, naging coach si Gabriel ng Taekwondo Philippine Team. Si Gabriel ay naging technical chair ng ika-23 South East Asia Games na ginanap sa bansa. Jonah Mary T. Mutuc

Tomasalitaan

READ
Coro Tomasino reaps medals

Pithaya (PNG)—hangarin; layon

Hal.: Mayroong ibang pithaya si Maritoni kaya niya kinakaibigan si Dianne.

Mga Sanggunian

Cheering classes to be offered here. (1932, September 16). The Varsitarian.

Faculty, Students, A.S. Tau, E.K. Phi, sponsoring rally. (1932, September 16). The Varistarian.

Pep band organization to add colour to games. (1934, July 25). The Varsitarian.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.