Naiiga ang tubig
sa mga labak,
kahit mga dahak sa lubak,
darang ang bawat patak.
Sa ’di mapatid na uhaw,
wari’y baliw ang araw
sa pagdinig sa mga himutok
ng alinsangan, alinlangan
sa pagkaligaw ng ulan sa kung saan
at ‘di mapasyal dito kung saan
ang tanging basa ay ang dila
at ang tanging pamatid-uhaw ay luha.
Montage Vol. 11 • September 2008