ISANG bagong konstitusyon ang ginawa ng mga mag-aaral ng College of Nursing upang maidagdag ang ilang probisyon na tumutukoy sa mga tuntunin ng mga estudyante at mga class officers.

Sa magkahiwalay na plebesito noong Hulyo 31 at Agosto 3, niratipika ang konstitusyon ng mga estudyante ng kolehiyo sa botong 881 para sa oo kontra sa 445 na hindi sumang-ayon. Sa 1,584 na estudyante sa naturang kolehiyo, 1,326 ang bumoto.

Ipinatupad ang bagong konstitusyon noong Agosto 6.

Ayon kay Earl Francis Sumile, pangulo ng Nursing Central Board of Students (NCBS), kinailangan nilang gumawa ng bagong konstitusyon upang maidagdag ang ilang probisyon na tumutukoy sa mga tuntunin ng mga class officers at karapatan ng mga estudyante.

“We opted to have our own constitution which would definitely put an order and a system to our college. And at the same time, (we would like to have a constitution that would) safeguard the rights of the students,” wika ni Sumile.

Ayon sa kanya, ang kawalan nila at ng Dean’s office ng kopya ng konstitusyong ginawa noong dekada ’80 ang isa sa dahilan kung bakit kailangan nila ang bagong konstitusyon.

Dinagdag pa ni Sumile na gusto nilang magkaroon ng sariling identity dahil sinusunod lamang nila ang konstitusyon ng Central Student Council.

Hindi tulad ng dating konstitusyon kung saan nakasentro lang ang kapangyarihan sa walong opisyales ng Student Council, bubuuin ang NCBS ng tatlong sangay––ang Executive Board, Legislative board, at ang Board of Representatives.

“(Through this), the powers will be divided. There will be no monopoly of powers. Somehow there is authentic democracy because there is true student representation,” wika ni Sumile.

READ
'Chinaman problem,' tinalakay ng iskolar

Sinimulan ang drafting ng kanilang bagong konstitusyon noong Hulyo 11 at natapos noong Hulyo 24. Ang mga kinatawan mula sa una hanggang ikaapat na taon at sa mga organisasyon tulad ng Nursing Pax Romana, Dance Troupe, at Board of Students ang mga kasama sa paggawa ng bagong konstitusyon. Teodoro Lorenzo A. Fernandez

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.