SA WAKAS, makikita na ng mga estudyante ang benepisyo ng bagong digital ID. Sinimulan na ang operasyon nito sa Main Building noong Agosto 20.

Ayon kay P. Winston Cabading O.P., direktor ng Computer Center, kahit medyo nahuli ang implementation ng naturang sistema ay sulit na sulit naman ito dahil sa seguridad na ibibigay nito sa Unibersidad. Isusunod na rin ang paglalagay nila ng mga scanners sa iba’t ibang gusali idinagdag pa niya.

“Dapat talaga noong July pa ‘yan kaya lang, Unlimited Solutions encountered problems with the printing and drying of the colors. Kasi the ID has 14 colors, and each color has to dry in a separate plate,” sabi ni P. Cabading. “Gumastos na rin lang naman tayo ay sulitin na natin kahit medyo maghintay kaysa madali namang masira ‘yung ID.”

Bago makapasok ang mga estudyante sa loob ng gusali, kinakailangan muna nilang i-swipe ang kanilang mga digital I.D. sa mga computerized scanners sa pasukan ng gusali. Agad na lalabas sa monitors ang mukha, student number, oras ng pagpasok ng may-ari sa gusali, at mensahe mula sa administrasyon para sa ID holder kung mayroon man.

Subalit magkahalong reaksyon mula sa mga mag-aaral ang sumalubong sa bagong sistema.

“Iniisip ko lang kunyari eksaktong seven kami dumating, mahuhuli kami kasi mahaba yung pila,” sabi ni Jay-R de los Santos mula sa B.S. Psychology.

Ngunit para naman kay Robert Sindiong, isang estudyante ng B.S. Biology, magiging mas madali na ang pagpasok sa mga gusali dahil hindi na kinakailangang isa-isahin ng mga guwardiya ang kanilang mga ID.

READ
Tracking the medical apartheid

Samantala, sinabi ni P. Cabading na plano ng Unibersidad na maglunsad ng isang patimpalak para sa mga estudyante upang gumawa ng iba pang mga program kung saan maari nilang magamit ang bagong ID.

“We are planning to launch a contest that will challenge the students to come up with a program that will give them more benefits through the use of the digital ID, because who else will know what the students need and want than the students themselves,” ani P. Cabading. Jennifer B. Fortuno

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.