Tomasino Siya

MAIPAGMAMALAKI natin na marami sa mga personalidad sa media ay Tomasino. Kabilang sa mga bantog at kilala sa larangang ito ay sina Arnold Clavio, Rina Jimenez-David, Eugenia Apostol, Julie Yap-Daza, at marami pang iba. Naging kilala sila hindi lang sa pagsulat kundi maging sa telebisyon at sa radyo.

Isa dito si Joel V. Aruta. Bagama’t kursong Pilosopiya at Teolohiya ang kanyang natapos sa UST noong 1964, gumawa siya ng pangalan sa mass media. Isang taga- Barugo, Leyte, pangalawa siya sa mga anak ng namayapang Dr. at Gng. Jorge Aruta, Sr. Si Jorge V. Aruta, isa sa mga kapatid niya, ay kasalukuyang patnugot sa Philippine Daily Inquirer.

Nagtrabaho si Aruta sa opisina ng radyo at telebisyon sa Malacañang. Nang lumaon, nalipat siya sa Bureau of Broadcasts ng Department of Public Information. Naging pangkalahatang pinuno siya ng sirkulasyon para sa Observer, ang opisyal na magasin ng Journal Group kung saan siya ay kabilang.

Naging aktibo rin siya sa serbisyo-publiko.

Sa katunayan, naging isa siyang miyembro ng peace panel na binuo ng dating pangulong Corazon C. Aquino upang makipag-usap sa mga rebelde sa Mindanao at mapanatili ang kapayapaan sa naturang lugar at magbalik-loob sa gobyerno ang mga namundok nating mga kapatid na Muslim.

Upang maipalaganap ang natutuhan niya sa UST, mahabang panahon ang inilaan niya sa pagtuturo ng pilosopiya sa Unibersidad ng San Carlos sa Cebu.

Sumakabilang buhay siya noong Oktubre 11, 2002 pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa sakit.

Tomasalitaan

gumban (pangngalan)- bitak sa lupa, dulot ng lindol o malakas na puwersa.

READ
UST mountaineer now in Earth's embrace

Nahulog sa malalim na gumban ang mga alagang kambing ni Charlie.

Sanggunian

Philippine Daily Inquirer, Tomo 17 Blg. 306

UST Archives

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.