Sa pagkakataong ito, nakatuon ang pansin ng publiko sa intelligence dahil sa mga hearing sa Senado ukol kay si Sen. Panfilo Lacson.

Kung sasariwain, nakumpirma umano ng Intelligence Special Action Force, sa pamumuno ni Kol. Victor Corpuz, ang pagkakasangkot ng ilang personalidad sa “negosyong-kidnap-for-ransom” at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Lumantad na ang ilang mga saksi tulad nina Angelo “Ador” Mawanay, Danny Devnani at Mary “Rosebud” Ong.

Kung ihahalintulad ang intelligence network ng Pilipinas sa Estados Unidos, hindi na ipagtatanong ang pagkahuli nito. Ngayong pumalpak ang Amerika na kinikilalang “the infallible one,” ano pa kaya ang maaring kabakahin ng Pilipinas, na may mas mahigit na kaduda-dudang karakter sa larangan ng intelligence, lalo kapag nahahaluan ng pulitika?

Sa mga panahong ito, nagiging mahalagang salik sa lipunan ang isang kapani-paniwalang intelligence network.

Kung nagiging isyu ang kahandaan ng daigdig lalo na sa intelligence, hindi kataka-takang tanungin ng isang ordinaryong Juan de la Cruz kung gaano talaga kaepektibo ang intelligence network sa Pilipinas. Nakukuha nga ba talaga ito ng mapagkakatiwalaang mahahalagang impormasyon? May kredebilidad ba ang kanilang isinasalang na saksi ngayon pa lang, na nakikidigma ito laban sa droga, katiwalian at imoralidad? At papaanong maipagtatanggol ng intelligence ang bayan sa napipintong digmaan kung hindi naman ito mapapakinabangan?

Marahil bago makakuha ng tiwala, sa isyung ito pa lamang sana ay makakitaan ng katapatan ang intelligance. Maaring ito ang maging kaligtasan ng intelligence at ng buong bayan sa malawakang labanan na gagamit ng matitinding istratehiya at pamamaraan sa pagkalap ng impormasyon na makatutulong upang sugpuin at durugin ang terorismo, na kasing tindi ng kalabang shabu at pangungurakot.

READ
Isulat ang inyong mga karanasan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.