PAGBABALIK sa kahalagahang pangmoral ang pangunahing layunin ng presentasyon ni Prop. Aurora Faustino-Francisco sa Lumalindaw, epiko ng Gaddang ng Nueva Vizcaya, na ginanap noong Peb. 14 sa Thomas Aquinas Research Complex.

Ayon kay Prop. Francisco, mananaliksik at tagapag-ugnay ng Kagawaran ng mga Wika sa Pakultad ng Parmasya, nakakalimutan na ng mga kabataan ngayon ang mga natatanging kahalagahang pangmoral ng kanilang mga ninuno.

Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng epikong Lumalindaw, muling maitatampok, mabubuhay, at mailalarawan ang mga kahalagahang pangmoral na ito sa mga kabataan.

Isinalin sa Filipino ni Prop. Francisco, binubuo ng apat na bahagi ang epikong Lumalindaw ng mga Gaddang.

Tinalakay sa simula ang mga katangian ng Panitikan mula sa panahon ng mga ninuno ng mga Pilipino at sangay ng kaalamang-bayan na tinatawag na epiko. Binigyang-diin naman sa ikalawang bahagi ang mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, at pananampalataya ng mga Gaddang. Samantalang inilahad naman sa ikatlong bahagi ang pinakabuod ng epiko at ang pagsusuri naman sa mga kahalagahang pangmoral na hango mula rito ang itinampok sa huling bahagi ng presentasyon. Girard R. Carbonell

READ
Buhay at panulat

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.