PATULOY na hindi makakamtan ng mga Filipino ang tunay na demokrasya kung pansariling interes lamang ang pagtutunan ng pansin, sinabi ni P. Enrico Gonzales, O. P. sa taunang misa sa ngalan ni Santo Domingo de Guzman, ang nagtaguyod ng Samahang Dominikano.
“Hindi natin makakamtan ang tunay na kahulugan ng demokrasya kung tayo ay nakatuon lamang sa ating pansariling interes at lahat tayo ay nagpapataasan,” sabi ni Gonzales sa kanyan sermon noong Agosto 7 sa UST Chapel.
Si P. Ernesto Arceo, vice grand chancellor ng Unibersidad, ang main celebrant.
Binigyang pansin din ni Padre Gonzales si Santo Domingo bilang taga-pagtaguyod ng demokrasya. Pinuna rin niya ang kasalukuyang estado ng demokrasya sa ating bansa.
“The traditional institutions that should serve as the bedrock of democracy are a shambles and in fact are on the verge of collapse,” sabi Gonzales, isang propesor ng Pilosopiya sa Ecclessiastical Faculties.
Idinagdag din ni ang pagtakwil ni Santo Domingo sa “fraternal governance,” ang systemang umiiral sa mga relihiyosong komunidad noong panahon niya. Para kay Santo Domingo si Kristo lamang ang guro at mag-aaral niya tayong lahat.
“St. Dominic believes that no one is superior over the other. In fact, there is only one teacher, Jesus Christ, and the rest of us are learners. So, it is not the Order of Preachers, but the Order of Perpetual Learners,” sabi ni Gonzales.
Sinabi rin ng pari na ang pagkakaibigan at pagkakapatiran ang dapat na pundasyon ng demokrasya at hindi ang kasalukuyang nangyayari sa gobyerno na pinaghaharian ng pagsalungat, pagkapoot, at kawalan ng hiya.
“What an idea that in order to have peace you should make a lot of enemies,” dagdag ng Propessor.
Sinabi rin ni Gonzales na hindi lamang ang mga opisyal ng gobyerno ang may kasalanan kung bakit nasasadlak ang bansa sa kasalukuyan sitwasyon.
“The wall will not fall on (President) Gloria (Macapagal-Arroyo), (Speaker Jose) De Venecia or (Chief Justice Hilario) Davide (Jr.) alone, it will also fall on each of us,” sabi ni Gonzales.
Ipinaliwanag din ni Gonzales kung bakit hindi nagiging maganda ang sistemang demokratiko para sa ating bansa base na rin sa buhay at halimbawa ni Santo Domingo.
“Democracy would never succeed in a country where the leaders have (a) mistaken (notion of) statemanship and the citizens are confused by the real sense of liberty, ” paliwanag niya.
Pinaliwang rin ni Gonzales na ang “mabuting paki-kipagusap ang pinakamagandang daan tungo sa tunay na demokrasya”. Ayon sa kanya walang hindi magagawa, mangyayari, at malulutas sa mabuting usapan ngunit magkakaroon lamang tayo nitong “mabuting usapan” kapag natuto na ang tao ng sobriedad at disiplina sa pag-iisip.
Bilang huling panalangin, inusal ni Gonzales ang mga katagang humihiling ng milagrong mas malaki at mas radikal pa kaysa sa People Power 1 at 2 para sa ating bansa at demokrasya.
“Loving Father, save our democracy from Filipinos for Filipinos. Loving Father, save us, save us from ourselves,” dasal niya. Jennifer B. Fortuno