ISANG Tomasino ang pinarangalan ng isang kilalang unibersidad sa Estados Unidos kamakailan.

Ginawaran si Carlos Agatep ng citation ng Boston University noong Hunyo 10 para sa kanyang mga nagawa sa public relations (PR) sa Pilipinas.QA

“Marahil binigyan ako ng citation para sa paggamit ko ng PR para sa pagpapalaganap ng mga cause-related programs,” ani Agatep.

Si Agatep ang nagtatag ng Agatep Associates, isang tanyag na PR firm sa bansa. Kabilang ang Intel Philippines sa mga dating kliyente ng Agatep Associates.

Nagtapos si Agatep ng Litt.B in Journalism, cum laude, sa dating Faculty of Philosophy and Letters noong 1950. Noong 1953, nakapagtapos siya ng M.S. in Communication Arts sa Boston University sa tulong ng Fulbright and Smith Mundt scholarship na iginawad sa kanya ng State Department ng Estados Unidos.

Ginawaran din siya ng Melville Jacoby Fellowship sa Stanford University kung saan kumuha siya at nagtapos ng doctorate in Communications. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1954 at nagturo ng Public Relations at Photojournalism sa dating Faculty of Philosophy and Letters hanggang 1977. M. L. Morelos

READ
UST archivist named outstanding Manileño

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.