MATAPOS makamit muli ang Level 2 accreditation mula sa Philippine Association of Colleges and University Commission on Accreditation (PACU-COA) ang pitong programa ng UST-Graduate School (GS) noong Hulyo, naghahanda na agad ito para maunahan ang ibang pribadong postgraduate schools na maabot ang Level 3 sa 2005.

Ayon kay Dr. Lilian Sison, dekana ng GS, ginagawang basehan ang accreditation ng mga programa upang mapanatili ng isang kolehiyo ang awtonomiya nito sa Commission of Higher Education (CHED).

“(If) we have some ‘administrative flexibility’,” aniya. “We could (recommend or) have extension programs without asking permission from CHED.”

Kabilang sa mga programang sakop ng re-accreditation ang Master sa Business Administration, Education, Humanities and Liberal Arts, Science, Nursing, Pharmacy, at Medical Technology.

Sa ulat ng PACU-COA, matataas ang markang nakuha ng GS sa kalidad ng instruksyon, guro, administrasyon, estudyante, at sa mga hangarin at layunin.

Pinakamababa ang marka sa library resources ng Unibersidad. Sinabi ni Sison na tinutugunan na ng UST Central Library ang problema sa pamamagitan ng bagong lunsad na online access ng 8,000 web-based journals.

Sinabi rin ng dekana na hinihimok na niya ang mga propesor at mag-aaral na ilathala at gumawa ng kanilang pananaliksik at thesis sa mga internasyunal na mga conference at pahayagan bilang karagdagang paghahanda tungo sa pang-international na estado ng GS.

“We must recognize the fact that our neighbors like Malaysia and Thailand are moving towards that direction very fast,” aniya. Reagan D. Tan

READ
Buses and bikes

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.