Sa Roma nakahimpil ang kataas-taasang pinuno ng Simbahang Katolika. Sa St. Peter’s Basilica at Square naman nakatayo ang mga rebulto ng mga santo at mga makasaysayang taong tumulong sa pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko. Sa Pangunahing Gusali naman ng Unibersidad, nakatayo ang mga rebulto ng mga prominenteng tao ng ating mundo.

Kilala mo ba ang mga taong nakahimpil sa itaas ng Pangunahing Gusali?

Sa unang tingin, aakalain ng mga hindi kabisado ang UST na simbahan ang Pangunahing Gusali dahil sa Krus sa itaas ng tore at puro santo ang mga rebultong matatayog ang pagkakatayo rito.

Noong 1952, ipinagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng Pangunahing Gusali, binigyang-buhay ni Padre Angel de Blas, O.P. ang mga ideya ni Padre Roque Ruano. Kay Padre Ruano nagsimula ang proyekto na itayo ang Pangunahing Gusali at maglagay ng 30 rebulto sa paligid ng ikaapat na palapag ng Gusali.

Inutusan ni Padre Blas si Propesor Francesco Monti, pinuno ng Department of Sculptures, na pamunuan ang nasabing proyekto.

Sa pamamagitan ng sipag at dedikasyon, sinimulan ni Monti na ukutin ang Tria Haec, na binubuo ng tatlong babaeng rebulto. Sila ang kumakatawan sa tatlong theological values— faith, hope and charity, na ilalagay sa paligid ng orasan. Ang Faith, ang may hawak na krus; ang Hope, ang may hawak ng anchor, at ang Charity, ang may hawak na bata.

Sumunod na tinapos ni Monti ang tatlong pilosopo—sina Aristotle, Plato at St. Albert the Great. Si Aristotle ang may hawak ng batong tableta kung saan nakasulat ang una at huling titik ng alpabetong Griyego; si Plato, ang may balbas, at si St. Albert the Great, kung saan ang kanyang kaliwang kamay ay may hawak na libro at sa kanan naman ay kalis.

READ
Sulyap at sayaw sa hinaharap

Ang iba pang rebulto ay nagawa sa mga sumunod na taon, at bago sumapit ang kalagitnaan ng 1953 ay mayroon ng 15 rebulto, 10 talampakan ang taas, na nakatayo sa paligid ng Pangunahing Gusali.

Ang mga rebultong nakaharap sa kalye ng A.H.Lacson ay ang mga manunulat ng komedya. Sina Lope de Vega, isang Kastila, Aristophanes, isang Griyeko at Moliere na isang Pranses.

Sa harap ng Espana, sa kanan ng Tria haec nakatayo ang rebulto ng mga Dominikanong siyentipikong sina Vincent de Beauvais, awtor ng Speculum, St. Agustine, na tinaguriang Ama ng Teolohiya at St.Raymond de Penafort, ang nagpayo kay Santo Tomas de Aquino na isulat an Summa Contra Gentiles.

Ang mga rebulto naman ng mga manunulat ng trahedya na sina Calderon de la Barca, isang Kastila, Sophocles, na isa sa mga sumulat ng pinakamagandang trahedya at si Shakespeare, na tinaguriang pinakamahusay na dramatista sa mundo ang nakaharap sa kalye ng P.Noval.

Pagkatapos maukit ang 15 rebulto, natigil ang pag-uukit sa harap ng protesta ng umuukit. Natigil din ang pag-ukit sa 40-talampakang rebulto ni Santo Tomas de Aquino, na patron ng mga Tomasino. Sa plano ni Padre Ruano, ilalagay sana ito sa likod ng Tria Haec, at sa itaas niya ang Dominican coat of arms na may rosaryo. Emili Therese A. Malacapo

Tomasalitaan: Dahom (Pandiwa)- umasam

Halimbawa: Hindi ko na kailangan png dumahom sa kanyang pagbabalik, nais na niyang mamuhay mag-isa.

Sanggunian: Discourses on the UST Main Building (2002).

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.