SA SANDAANG kabataang nakakapagtapos sa hayskul, 45 lamang sa mga ito ang nakakapasok sa mga unibersidad at pamantasan. At sa 45 na ito, kalahati o 20 lamang ang matagumpay na nakakapagtapos sa kolehiyo. Ang tanong: ano ba ang problema?

Nakapanghihina ng loob na malaman ang ganitong mga estadistika, nananatiling walang katiyakan ang pambansang kaligtasan at kabuhayan. Ngunit masakit man, ito ang katotohanan. Sa ngalan ng mapanagutang pamamahayag, sinubukang alamin ng Varsitarian ang iba’t ibang isyung may kaugnayan sa “nakaliligtaan” nang sektor ng lipunan—ang tertiary level education (TLE).

Kasalukuyang kalagayan

Sa pinakahuling bilang ng Commission on Higher Education (CHEd) noong Marso 2002, may 1, 258 pribado at 169 pampublikong pamantasan at kolehiyo ang nakarehistro sa buong bansa. At sa pagbubukas ng taong-pangakademikong 2003-2004, tinatayang mahigit tatlong milyong estudyante ang magdadagsaan sa mga ito.

Sa panayam ng Varsitarian kay Dr. Manuel Punzal, isa sa apat na komisyoner ng CHEd, magmula nang itatag ang kanilang komisyon noong 1994, kahit papaano’y nagkaroon ng direksyon ang pamamalakad sa sistema ng TLE sa Pilipinas.

“Mula nang maitatag ang CHEd marami na rin itong nagawa (para sa TLE). Nagkaron tayo ng mas mahigpit na pamantayan sa pagbibigay ng permit to operate a program. Ngayon, dadaan sila sa butas ng karayom dahil mayroong itinatalagang technical panel,” aniya.

Ayon kay Dr. Punzal, binubuo ang technical panel ng mga propesyunal mula sa iba’t ibang larangan. Ang mga ito ang nagsasaliksik, naglalapat ng mga pagbabago sa paraan ng pagtuturo kung kinakailangan, at nagmumungkahi sa CHEd kung nararapat ipasa ang mga bagong programang inilalatag ng iba’t ibang unibersidad at pamantasan sa bansa.

“Naaawa kami sa edukasyon kapag ginagawang palabigasan ito. (At upang maiwasan ang malakabuteng pagusbong ng mga paaralang walang kalidad) mayroong regional quality assessment team ang CHEd na siyang tumitingin sa capability ng school at ng faculty, ng libro o equipment, para masiguro na ‘pag binigyan sila ng permit, may karapatan silang magpatakbo ng programa na ligal,” paliwanag ni Dr. Punzal.

Ipinagmalaki din ni Dr. Punzal ang ilan pang proyektong patuloy na isinasagawa ng komisyon tulad ng: pagtiyak na mas mataas ng ilang degree (o kahit isa man lang) ang mga propesor kaysa sa kanilang estudyante; ang paghihigpit sa pagpapatayo ng mga state universities na maaaring maging kakumpetensya pa ng mga pribadong pamantasan; pakikipagugnayan sa Professional Regulations Commission hinggil sa mga programang maimumungkahi nang isara dahil sa mababang resulta sa eksamen para sa lisensya; pagtangkilik sa information and communication technology; at pakikisabay sa pandaigdigang pagunlad at pagbabago sa sistema ng edukasyon.

Sa lahat ng pagsisikap ng CHEd upang mapabuti ang sistema ng TLE sa Pilipinas sa loob ng halos isang dekada, pinuri ni Dr. Punzal ang mga batikan nang institusyon tulad ng UST na maunlad na ang karanasan kung mabuting pamamalakad ng paaralan ang paguusapan.

“Noong wala pa man ang CHEd, responsable na ang mga ito (autonomous universities), gaya ng UST. They (mapagkakatiwalaang unibersidad at pamantasan) don’t have to be supervised because they have professional education, good faculty line-up, and high-quality facilities. Because we know they are dependable, sabi namin, pakawalan na natin sila,” ani ni Dr. Punzal.

Malayang pamamahala ang katumbas ng pagkakaroon ng autonomy status mula sa CHEd. Samantala, nagkakaloob din ang CHEd ng deregulation status (nakabababa kaysa sa autonomous) sa mga paaralang nagpamalas na rin ng natatanging kakayahan sa pamamalakad ng kani-kanilang institusyon.

“Those receiving autonomy status are freed from the CHEd’s monitoring and evaluation activities, entitled to subsidies and financial assistance, privileged to determine their curricular programs to achieve global competence, and can establish branches or satellite campuses without the agency’s prior approval. The (schools) that were granted deregulation status also receive the first two benefits,” pahayag ni Dr. Punzal.

READ
Spotting vacation stops

Maliban sa UST, kabilang din sa listahan ng 30 unibersidad at pamantasan sa Pilipinas na pinagkalooban ng autonomy status ng CHEd ang Ateneo de Manila University, De La Salle University, Centro Escolar University, Philippine Christian University, Miriam College Foundation, St. Scholastica’s College, St. Paul College of Manila, at St. Joseph College of Quezon City.

Samantala, kabilang naman sa 24 na may deregulation status ang Jose Rizal University, University of the East, Far Eastern University, Adamson University, Assumption College, College of the Holy Spirit, Mapua Institute of Technology.

Suliranin

Bagamat seryoso ang komisyon sa pagpapabuti ng sistema ng TLE sa bansa, sadyang may mga hadlang na hindi madaling solusyunan.

Kapwa sang-ayon si Dr. Punzal at si Senador Francis “Kiko” Pangilinan, tagapangulo ng Komite ng Edukasyon sa Senado, na badyet ang pangunahing suliranin sa TLE ng Pilipinas.

“The major problem really is being able to provide the necessary government resources and allocate them to tertiary level education. Funding is a perennial problem that we have to confront. Much as we would like to fund education in the tertiary level, if we have budget deficit with such proportions, your hands are tied. So indirectly, it is really a problem of funding that must be addressed,” ani ni Senador Pangilinan.

Katulad ni Senador Pangilinan, naniniwala rin si Dr. Punzal na higit na magiging maayos ang takbo ng mga proyekto ng CHEd kung magkakaroon ng mas malaking pondo.

“Malaki ang allocation (ng gobyerno para sa edukasyon) ngunit napupunta ang malaking bahagi nito sa grade school at high school; maliit na lang ang napupunta sa higher education. (Ang maliit na alokasyon ng badyet para sa TLE) ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang pag-unlad ng higher education at napagiiwanan na tayo ng ibang bansa, tulad ng Thailand, Malaysia, Singapore, Japan, at Korea, na hindi hamak na mas malaki ang ginugugol na pondo para sa TLE,” ani ni Dr. Punzal.

Bagamat imposible ang agarang solusyon sa suliranin sa badyet, nagmungkahi si Senador Pangilinan sa mga kabataang nais isulong ang isyung ito.

“If all stakeholders come together and decide to act and demand that we must fund, and not just a small group; it has to be a consorted national effort on the part of our young people to address the problem of funding,” payo ng Senador.

Bukod sa pondo, kabilang din sa mga suliraning kinakaharap ng TLE ang pagtataas ng matrikula at ang biglaang pagdami ng mga state university.

Muling nagkatulad ang- opinyon nina Dr. Punzal at Senador Pangilinan sa usapin ng malakabuteng pagdami ng mga state university (SU).

“There have been a lot of state universities that are unable to provide quality education despite the fact that they are already “state universities.” And we (the Senate) would like to address the issue,” ani ni Senador Pangilinan.

Idinagdag pa ni Dr. Punzal na “ayaw nilang dumami ang state universities.”

“They (SUs) would crowd out the private schools. Kaya kahit na these private schools offer very good programs, siyempre maliit ang tuition fee (sa Sus), magdadagsaan sa kanila (SUs) ngayon. So mamamatay ang mga private school,” pahayag ni Dr. Punzal.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Dr. Punzal ang mga tagapamalakad ng mga pamantasang nagtataas ng matrikula. Bukod sa hindi sakop ng kapangyarihan ng CHEd ang pagkontrol sa matrikula ng mga pribadong paaralan, ayon kay Dr. Punzal, seryosong hakbangin ang pagtataas ng matrikula na may kaakibat na mahalagang dahilan.

Ayon sa Komisyoner ng CHEd, pangunahing pangangailangan ng isang pamantasan ang mga tinutustusan ng matrikula. Bukod sa pagpapasahod sa mga guro, gumagastos din ang mga ito sa basic operations gaya ng kuryente at pag-angkop sa makabagong teknolohiya.

READ
Goodbye

“Tuition fee is already deregulated by the law. It’s a market force. No school would be out of its mind to impose tuition fee that will not generate enrolment for him. ‘Pag nagbigay ng tuition na walang kakagat, bagsak ang eskuwelahan mo,” ani ni Dr. Punzal. “If there are people who look for quality education, they will pay for quality education,” pahabol niya.

Edukasyon sa UST

Tanong: Saan kilala ang UST?

Sagot: Isa sa pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas at sa Asya, isa sa apat na pamantasan sa Pilipinas na napasama sa listahan ng “best universities in Asia” ng prestiyosong Asiaweek, madalas manguna sa mga pambansang patimpalak at pagsusulit, at isa sa may pinakamataas na matrikula sa Pilipinas.

Bagaman may kaakibat na negatibong impresyon ang huli, masasabing nakadaragdag sa magandang estado ng UST ang unang tatlong pagsasalarawan.

Ayon kay Dr. Belen Tangco, executive associate ng Vice-Rector for Academic Affairs, hindi pa rin nahuhuli ang UST sa ibang pamantasan.

“We are autonomous and that is an edge of UST because ang mga programs natin are good in accordance to the needs of the community. So if our University has a good program it will acquire support from the government that can be used for research funding. Although, in our own, even if we don’t have that subsidy, we can maximize our own kind of resources,” ani ni Dr. Tangco

Dahil sa mga nabanggit na de-kalidad na programang ibinibigay ng Unibersidad, madalas na namamayagpag ang mga Tomasino sa mga pambansang pagsusulit tulad ng licensure exam para sa mga kursong may kinalaman sa agham, board exam para sa mga mag-aaral ng Edukasyon, at bar exam para sa mga kumukuha ng abugasya.

Kaugnay dito, pinuri ni Dr. Tangco ang mga Tomasinong nangunguna sa mga nabanggit na eksamen. Aniya, taun-taon, imposibleng hindi makasama ang UST bilang isa sa mga top performing school. “We don’t run out of topnotchers in the University. It is the tradition of excellence of UST and it is one thing that the Thomasians can be proud of,” ani Dr. Tangco.

Idinagdag pa ni Dr. Tangco na nakaragdag sa magandang imahe ng Unibersidad at mahusay na panghikayat sa mga kabataang tatapak pa lamang sa kolehiyo ang magandang pagpapakita ng mga Tomasino sa mga nabanggit na pagsusulit.

At kung titignan ang talaan ng Unibersidad, masasabing tama ang opinyon ni Dr. Tangco. Sapagkat ayon kay Dr. Mary Ann Vargas, direktor ng Office for Students’ Admission, taun-taon, hindi bumababa sa 35, 000 ang nag-aapply sa UST. At mula sa bilang na ito, halos 10,000 lamang ang kaya nitong tanggapin. Dagdag pa ni Vargas, sa kasalukuyan, nagbibigay ng academic placements ang Unibersidad upang mabigyan ng pagkakataon ang mga aplikanteng hindi nakapasa sa first at second choice nilang kurso “pero ‘yung scores naman nila are not that bad.”

Ayon kay Vargas, maaaring tanggapin ng Unibersidad ang mga hindi nakapasa sa mga naunang napiling kurso hangga’t hindi sila bumabagsak sa university cut-off score. “If their scores did not meet the required cut-off, we try to academically place them in colleges kung saan puwede ang scores nila,” paliwanag niya.

“They (the students who were not able to pass their first two choices) are instructed to come over to our office where we generate the referral form kung saan naka-project ‘yung mga possible courses that they can try. Then the only thing they have to do, dapat pumunta sila sa college of interest nila…and signify their interest na gusto nilang kunin itong course na ito,” dagdag ni Dr. Vargas.

READ
Faculty union VP quits Tesda post

Ginamit niyang halimbawa ang kurso ng Nursing, na isa sa may pinakamataas na bilang ng aplikante. “Like in Nursing, we had 11, 000 plus applicants. Pero (the Collge of) Nursing can only accommodate as much as 500. So, sayang ‘yung 300 doon na magagaling who miss the cut-off score by 1 or 2 points.. We try to catch them. If they can’t make it in Nursing, we give them several options, to other colleges,”

Ngunit kung bubusisiin ang sistema ng “academic placements” na ito, bagamat makikita ang “maka-Kristiyanong” pagturing sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng isa pang pagkakataon, mapapansin ang pagkakaroon ng mantsa sa proseso ng pagtanggap ng mga “tunay” na mahuhusay na mag-aaral—ang pagsasakripisyo sa ipinagmamalaking “student selectivity” ng Unibersidad—na nasilip din Dr. Tangco.

Ayon sa kanya, bilang pagpapahalaga sa mataas na imahe ng Unibersidad, hindi makabubuti sa Unibersidad ang pagtanggap ng basta basta. Aniya, maaari itong magpababa ng tingin mula sa ibang pamantasan lalo na’t kilala ang UST sa pagiging mahigpit.

“Para ma-maintain ang quality, (we give high importance) towards student selectivity. Mahirap ‘yung admit ka nang admit. Otherwise the quality suffers,” pahayag ni Dr. Tangco.

Samantala, bukod sa kagalingan sa academics, binibigyan din ng mahalagang pagkilala ng UST ang kahalagahan ng karagdagang pagsasaliksik at pagbibigay serbisyo sa komunidad, batay sa inilabas na ulat ni Rev. Fr. Rektor Tamerlane Lana, O.P.

Ayon sa ulat ng Rektor, hinihikayat niya ang mga Tomasino na paunlarin ang research at community service sa papalapit na ika-400 taon ng Unibersidad, upang muling manumbalik ang mataas na pagtingin sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon sa plano, sa taong 2011, ang UST ay makikilala hindi lang bilang Kristiyanong institusyon, kung hindi maging isang teaching-research-community-service-oriented university.

Kaugnay sa pananaliksik, naniniwala si Dr. Tangco na magaling ang UST dito, sa katunayan, ayon sa kanya may mga “awardees pa nga” ang UST.

Ngunit bagaman naniniwala siyang maraming magagaling na mananaliksik ang Unibersidad aniya, kailangan pa ng ibayong pagsisikap upang mas umunlad ang research output ng UST.

Sa kabilang banda, inamin niya na malaki ang lamang ng ibang pamantasan lalo na kung marami ang pinanggagalingan ng kanilang pondo. Ayon kay Dr. Tangco, maraming pamantasan sa ibang bansa ang nakakakuha ng malaking pondo sa gobyerno ngunit hindi ito malaking balakid sa Unibersidad dahil marami naman itong resources.

“They really have so much edge because of the support,” aniya.

Nabanggit ni Dr. Tangco na maraming centers of excellence (COE) and developments (COD) ang Unibersidad dahilan kaya nakatatanggap ang ilang kolehiyo at pakultad ng tulong-pinansiyal mula sa gobyerno. Sa pinakahuling talaan ng CHEd, 12 na programa ng UST ang COE samantalang siyam naman ang COD.

Huling marka

“I believe that we must at least identify key areas in the tertiary level education that need to be supported. It should be looked at its entirety in terms of how we are to be competitive in the region. Being competitive in the tertiary level education is basic also in terms of ensuring our development as a nation,” ani ni Senador Pangilinan.

Masasabing hindi pa ganoon kaangat ang estado ng TLE sa Pilipinas. Marahil sangkatutak pang problema ang magsusulputan. Ngunit kung pagsasama-samahin ng iba’t ibang institusyon ang kani-kanilang mahuhusay na estratehiya, makinarya at kapangyarihan, hindi imposibleng balang araw, muling makasabay ang Pilipinas sa iba pang unibersidad at pamantasan, hindi lamang sa rehiyon ng Asya, kung hindi sa buong mundo.

5 COMMENTS

  1. Ang UST ay may 12 na Center of excellence and 9 Center of Development. It only shows that UST is a very good school. Balita ko nga nag update ang mga colleges at faculties ng kanilang mga facilities.

  2. Bakit ba may mga taong bastos ? Wala namang ginagawa sa kanila pero pilit nanlalait at sadista? Diyos ko ginoo ganito na ba kabastos ang mga estudyante sa bansa? Kung maraming katulad na isa diyan na nagsabing “masyadong pa-feeling” ang UST, hindi dapat nandito sa pinas yan. Ang dapat, lahat nakiki-simpatiya sa kalagayan ng quality of education hindi yung magpataasan ng ihi. Mga walang puso!!!! No wonder maraming nalalait sa Pinoy dahil may nagpo-post ng bastos. Its no longer about which school you are from; its about how you copperate with the nation to carry Philippine education up to the next level, producing more functionally literate people

    • Don’t worry about what others say about our school…….I graduated in 1976 and is now in the USA. When they ask me where I graduated – just the initials UST, the foreignperson asking the question immediately answers back “oh that famous University!” Our school made a name for itself many years ago while others are still struggling. UST is UST – no matter what!

  3. Hindi na dapat patulan ang mga troll, ayaw na ayaw nila sa UST but punta sila ng punta sa mga UST websites tulad ng Varsitarian.

    Kung Pinoy Exchange ito, maiintindihan ko kung may magpost na outsider. Pero UST affiliated website ito.

    Sa admin ng site na ito, dapat isama sa requirement bago magpost yung tulad ng student number at alumni number (kung meron) para yung totoo lang yung magpopost

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.