INIAKYAT na sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kaso laban sa isang estudyante ng Medical Technology matapos pumanaw ang kaniyang nasagasaan na jogger.

Namatay si Teresita Escaler, 61, sa cardiovascular unit ng UST Hospital sanhi ng acute subdural hematoma noong Hulyo 22.

Kapwa nabundol ng asul na Toyota Vios ni Jonathan Estaris sina Escaler at Ceferina Holgado noong Hulyo 3 habang sila ay naglalakad papuntang Santisimo Rosario Chapel. Nakaligtas si Holgado matapos magtamo ng head laceratorions at hematoma, samantalang 18 araw namang malubha ang kalagayan ni Escaller sa ospital.

Inilibing si Escaller sa Los Baños, Laguna noong Hulyo 26.

Samantala, wala pang tiyak na petsa ang arraignment sa kaso matapos itong makansela noong Agosto 23, isang non-working holiday.

Ayon kay Rolete Ongcal, panganay na anak ni Escaller, umabot sa mahigit na P1 milyon ang binayaran nila sa ospital.

“Nagbigay ng P45,000 na tulong sina Estaris sa amin,” ani Ongcal.

Napag-alaman ng Varsitarian na regular nang pumapasok si Estaris. Sinikap ng Varsitarian na kunan ng pahayag ang pamilya ni Estaris, ngunit hindi sila sumagot. Cliff Harvey C. Venzon

READ
So what's new with 'new writing'?

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.