BINUKSAN na sa publiko ang “Lumina Pandit: An Exhibit of Historical Treasures,” kung saan tampok ang mga katangi-tanging aklat at koleksyon ng Miguel de Benavides Library.

“Sana sa exhibit, mabuksan ang mga mata ng Tomasino sa kahalagahan ng mga aklat,” ani Rektor P. Rolando De la Rosa, O.P., sa pagbubukas ng exhibit noong Hunyo 17.

“May Lumina Pandit help dispel the darkness of indifference that engulfs many of us, especially as regards to our common task of understanding, preserving, appreciating, and utilizing our rich historical and cultural heritage,” dagdag pa ni De la Rosa.

Taong 2008 nang simulan ni P. Angel Aparicio, O.P., prefect ng library, ang pagpaplano ng exhibit upang maipakilala ang kontribusyon ng aklatan sa ika-400 taon ng Unibersidad.

Kasama ni De la Rosa sa ribbon-cutting sina United Nations Educational Scientific and Cultural Organization Secretary-General Preciosa Soliven, vice chancellor P. Quirico Pedregosa, O.P., at Fr. Javier Gonzalez, O.P., ng Provincial of the Holy Rosary Parish.

May anim na bahagi ang exhibit na sumisimbolo sa kontribusyon ng Unibersidad sa pag-unlad ng Pilipinas.

Ang mga ito ay ang “Threshold 400,” “Realm of Print,” “Sphere of Change,” “Routes of Globalization,” “Nascent Nation,” at “Curve of Nationalism.” Makikita rin dito ang replika ng palimbagan noong 1593, ang “Incunabula;” ang aklat na “De Revolutionibus Orbium Celstiom [On the Evolution of the Celestial Spheres]” ni Nicolaus Copernicus; ang “Doctrina Christiana;” ang “Plantin Polyglot Bible;” mga makasaysayang mapa at peryodiko, at mga grado noong nag-aaral pa ang mga kilalang Tomasino tulad nina Jose Rizal at Apolinario Mabini.

READ
Graduate school student heads 'V'

“Namangha ako sa mga aklat na nagpapatunay lamang na may apat na raang taon na tayong maipapamana sa mga susunod na henerasyon,” ani Julio Perez, isang alumnus ng College of Architecture and Fine Arts noong 1977 na dumalo sa exhibit.

“Sana ay makinabang ang mga mag-aaral sa exhibit na ito, gamitin ang kanilang mga natutunan, at magkaroon sila ng magandang karanasan dito,” ani Aparicio.

“Kakaiba ito sapagkat makikita sa exhibit ang resulta ng kasaysayan ng ating institusyon,” dagdag pa niya. Kalaine Nikka Kay C. Grafil

1 COMMENT

  1. I think hindi masyadong aware ang mga tomasino about this exibit. Kahit na matagal na nila itong binabanggit. Some students are interested but they don’t know how to go and enter the exhibit. One of my classmates said nakakailang daw pumasok sa exibit hall kasi wala daw pumupunta at baka may sumita sa kanila. Sana iklaro ng mga orginizers kung paano ang pag pasok sa exhibit, is it by group, is it free or not. kahit yun lang naman sana

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.