ISA PANG Tomasino ang napabilang sa hanay ng mga opisyal sa pamahalaan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nanumpa noong Agosto 3 sa Malacañang si Emmanuel Joel Villanueva, anak ng natalong kandidato sa pagkapangulo na si Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, bilang bagong director-general ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Sa UST High School tinapos ni Villanueva ang kaniyang secondary education noong 1992 habang sa College of Commerce and Business Administration naman niya tinapos ang kaniyang kursong Bachelor of Science in Commerce major in Economics noong 1996.

Ang Tesda ang ahensiya ng gobyerno na namamahala upang mapalakas ang middle-level manpower sa pamamagitan ng mga training programs at technical and vocational courses.

“Alam [ng Pangulong Aquino] ang aking qualifications, advocacies, at principles. Tinanong niya ako kung ako’y interesado [na mamuno] sa Tesda, at kung ano ang aking mga vision at intensiyon sa ahensiyang ito,” ani Villanueva.

Nakasama ni Villanueva ang Pangulong Aquino sa kongreso nang maging kinatawan siya ng Citizen’s Battle Against Corruption (Cibac) Partylist, kung saan siya ang naging pinakabatang miyembro ng 12th Congress.

Agad pinaimbestigahan ni Villanueva ang sinasabing P1 bilyong utang ng Tesda dala ng mga ipinangakong scholarships ng nakaraang pamunuan na hindi naman kasama sa orihinal na budget.

Bilang bagong director-general ng Tesda, higit niyang tinututukan ang pitong sektor na tinatawag nilang key employment generators: agri-business, business process outsourcing o BPO (kabilang dito ang mga call centers), creative industries (gaya ng animation), infrastructure, manufacturing and logistics, “socially responsible” mining, at tourism and retirement.

Tomasino rin ang execituve secretary at chief presidential legal counsel ni Aquino na sina Paquito Ochoa at Eduardo de Mesa. Rommel Marvin C. Rio at may ulat mula kay Monica N. Ladisla

READ
UST Occupational Therapy still unrecognized abroad

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.