TULUYAN nang giniba ang Tinoko Park upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng “Rosarium” o rosary garden, na kabilang sa mga proyekto para sa Quadricentennial celebration ng Unibersidad.

Matapos ang ilang pagpupulong at konsultasyon mula sa mga opisyal ng Unibersidad at Central Student Council (CSC) Board of Speakers, umusad na ang planong pagpapatayo ng rosary garden noong Hulyo 26.

Ang Rosarium ay ipatatayo bilang pagpupugay din sa Our Lady of the Holy Rosary.

Kabilang sa mga pasilidad na gagawin sa Rosarium ay ang adoration at prayer rooms na maaaring gamitin ng mga mag-aaral.

Ayon kay CSC board speaker Randolph Clet, bago maaprubahan ang paggawa ng rosary garden, binalak ng CSC na ayusin ang Tinoko Park upang gawin itong freedom park.

“It was the administration’s decision to maximize the [Tinoko] Park’s space,” ani Clet, pangulo rin ng Civil Law Student Council.

Dagdag pa niya, kahit hindi sumang-ayon ang CSC sa desisyon sa nakalipas na dalawang taon dahil sa orihinal na planong freedom park, pumayag na ito para sa ikagaganda ng bahaging ito ng UST.

Nakatakdang buksan ang Rosarium sa Setyembre. May ulat mula kay Nikka Policarpio

READ
Eksibit sa Unesco Paris ng UST, itinanghal sa Museum of Arts & Sciences

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.