SA GITNA ng makabagong panahon, hindi na sapat ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo sa kasalukuyang henerasyon ng mga mag-aaral.

Bilang pagkilala sa potensyal ng teknolohiya sa pagbabahagi ng kaalaman, plano ng UST High School (USTHS) na gumamit ng mga tablet para sa mga papasok sa Grade 7.

Ang mga kabataan ay lumaki na sa panahon ng computer, Internet, at “Youtube,” ani Marishirl Tropicales, principal ng USTHS.

“We want as much as possible to adjust to the kind of students that we have now,” ani Tropicales. “We’ll see if it will help them become better students.”

Ang tablet ay isang maliit na mobile computer na may touchscreen feature, kung saan ang mga daliri ang pangunahing paraan ng paggamit. Hindi na kailangan pang magdala ang mga mag-aaral ng mga libro sapagkat ang mga tablet ay naglalaman ng electronic books.

Ayon kay Tropicales, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang USTHS sa Santo Tomas E-Service Providers (Steps) at Educational Technology Center, at hinihintay na lamang ang pagsang-ayon ng Office for Academic Affairs. “Conditions should still be met [like] the parents’ consent,” aniya.

Noong Marso, nagpamahagi ang USTHS ng questionnaires sa mga magulang ng mga mag-aaral na papasok sa Grade 7 na nais maging bahagi ng proyekto. Sa 1,000 na mga magulang, 117 pa lamang ang nagpahayag ng kanilang suporta, ani Tropicales.

“It’s a good number because we’re targeting two sections as pilot sections for the project,” aniya. “We want to do it gradually and we want to test the waters first if it would really help the learning process [of the students].”

READ
On trekking and farewells

Ngunit ayon kay Tropicales, ang ganitong paraan ng pagtuturo ay posibleng may masamang epekto rin, gaya ng sobrang pagkalibang sa mga iba pang gamit ng tablet gaya ng apps at games, at pagpapabaya sa pag-aaral. Kaya naman nakikipag-ugnayan ang pamunuan sa Miriam College at De La Salle Greenhills na gumagamit na ng mga tablet.

Kailangan ding tugunan ang ibang bagay tulad ng seguridad, insurance ng mga kagamitan at kung ano ang uri ng tablet na gagamitin, aniya.

Ang learning management tool na Blackboard o mas kilala ng mga Tomasino sa ngalang E-Learning Access Program o E-Leap na inilunsad noong 2002 sa Unibersidad ay iaangkop na rin para sa mga tablet na gagamitin sa USTHS.

Kaugnay nito, ang Quaderno, isang uri ng online classroom management program na kasalukuyang binubuo ng Steps, ay ilulunsad na rin sa USTHS, at hindi na sa Faculty of Engineering.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.