TUNGKULIN niyang sumagip ng buhay at lumaban siya para isagip ang sa kaniya.

Ehemplo ang 42 anyos na si Gia Baquiran-Sison dahil sa kanyang tagumpay laban sa breast cancer.

Isa siyang manggagamot ng occupational medicine na nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Technology noong 1992 at sa Faculty of Medicine and Surgery noong 1996. “I am a breast cancer survivor, having stage two breast cancer. I’m about to finish my chemotherapy cycle on August 5, but I’m looking forward to survivorship.”

Alam man ng marami na isang kritikal na sakit ang kanser, sinabi ni Gia na iba na talaga ang pakiramdam kapag ikaw na ang nagkaroon nito.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niyang emosyonal at pisikal na sakit, ibinahagi pa rin niya na marami siyang natutunan mula sa karamdamang ito.

Kahit mahirap tanggapin, hinanda niya ang kaniyang sarili sa mga pagsubok na dapat harapin nang malaman ni Gia na mayroon siyang kanser.

Palaban ang naging ugali niya ukol sa kaniyang karamdaman. Ikinuwento rin ni Gia na nakipag-usap siya agad sa mga doktor na maaaring makahanap ng lunas para rito. Mula sa nakasanayan niyang masigla na pamumuhay at pagiging masigasig sa trabaho, inamin niya na sa isang iglap lamang ay nabago ang takbo ng buhay niya.

“After that phone call by my father on the afternoon of February 26, in five minutes, my life changed. I had to resign from my job because I had to accept the fact that I needed time to recover.”

Bukod sa pagtanggap sa kanyang kapalaran, kinailangan din niyang baguhin ang kaniyang pamumuhay ayon sa mga pangangailangan ng kaniyang katawan dulot ng malubha niyang sakit. Madalas din siya maghanap ng mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong sakit.

READ
High School senior dies in fire

“’Bakit ako?’ I am doing a noble job, hindi naman ako nangungurakot ng pasiyente ko. I even serve for free,” ani Gia.

Sa mga pagsubok dulot ng kanser, hindi maiwasan ang pagkalumbay at pagbaba ng mga emosyon ni Gia.

“Even though I am an optimistic person, there was I time that I really want to give up. I wanted to quit my chemotherapy.”

Sinabi niya na hindi talaga maiiwasan ang kawalang ng pag-asa sa isang pasiyente ng kanser.

“I realized that cancer patients really need support in terms of keeping themselves busy, to keep themselves from thinking of the fact that they have cancer. [Dahil] dumadating ka talaga sa punto na parang wala na talagang pag-asa.”

Sa kabila ng mga negatibong saloobin, isinalaysay ni Gia na mayroon siyang napaghuhugutan ng lakas upang magpatuloy.

Sinabi rin niya na ang pagkakaroon ng laganap na suporta mula sa mga taong nasa paligid ng isang may sakit ay napakalaking tulong sa pagpapalakas ng kaniyang saloobin.

“Totoo pala yung there’s really strength in numbers. When you know that a lot of people pray for you, you really appreciate it. It keeps me going and inspires me to push myself further.”

Bagong perspektibo

Hindi man naging madali ang mga pagsubok ni Gia dahil sa pagkakaroon ng kanser, ibinahagi niya na marami siyang mga natutunan dahil dito.

“Natutunan ko nung panahon na ‘yun na it’s okay not to be okay. It’s okay to cry. It’s okay to admit that you’re depressed, and it’s okay to ask for help,” aniya.

Hindi rin maikakaila na iniba rin ng kanser ang perspektibo niya sa mga bagay-bagay.

READ
Holistic medicine isinusulong

“Dati naiirita ako ‘pag naririnig ko ang mga ibon sa umaga, pero ngayon, when I wake up and I hear them sing, I literally appreciate them.”

Idinagdag pa niya na naituro din sa kaniya ng kanser ang kahalagahan ng oras at panahon.

Dun ko na-realize na tama yung ‘YOLO.’ You only live once, so if you really want to achieve something, go for it while you still can,” ani Gia. “You always have choice. Life is good, and you’re the only one who can dictate where it goes. Life is one big mind game but with enough determination it could take you anywhere.”

“Life is waking u in the morning, looking at the sunrise, and thanking God that you’ve lived another day. That was cancer taught me.”

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.