INAASAHANG mas bibilis na ang internet connection sa loob ng Unibersidad matapos nitong magpalit ng service provider upang maiwasan ang mga antala na karaniwang nararanasan ng mga Tomasino.

Kinuha ng Santo Tomas e-Service Providers (STePs) ang PLDT para mapadali ang pag-access ng UST na nangangailangan ng internet. Pinalitan nito ang TATA Communications, isang Indiyanong kumpanya.

Ayon kay Sebastian Raymond Mendoza, direktor ng STePs, normal lang naman ang paminsan-minsang pagkawala ng internet basta naaaksyunan ito agad.

“Normal naman na magkaroon minsan ng 'network outages' during hardware or system failure, maintenance, emergency cases or calamities. Ang mahalaga ay may solusyon agad ang technical support at hindi paulit-ulit ang problema…Ito rin ang isa sa ating basehan kung ang isang service subscription ay kailangan pang mapanatili o mapalitan,” ani Mendoza.

Dagdag niya, mararamdaman din ng mga alumni at ng mga bumubisita sa mga websites ng Unibersidad ang pagbabagong ito dahil sa mas epektibong pagpapakalat ng mga impormasyon at anunsyo ng UST at sa mas mabilis na access sa mga online resources nito.

“The main purpose of this service is for the educational use of the Thomasian community. For the alumni, guests and other neighbor institutions, communication through the internet using our online resources, like the institution and department websites, will serve as an effective and faster way of information dissemination,” aniya.

May mga batayan ang STePs sa pagpili ng naaayong service provider para sa Unibersidad—bandwidth and network capacity, availability of the connection/link in the campus area, uri ng koneksyon (wired or wireless), local peering (Inter-connection of local ISPs), reliability o kalidad ng koneksyon, availability at reliability ng technical support, at cost against service.

READ
Shun 'corrupt' practices, new UST doctors told

Pumasok ang UST sa partnership na ito Disyembre noong nakaraang taon.

“Ang problema sa anumang serbisyo ay maaaring mangyari sa kahit kaninong service provider,” ani Mendoza. “Ang importante dito ay kung papaano binibigyan ng karampatang solusyon at kaukulang importansya ang mga serbisyong binabayaran para hindi makaantala, makaabala o makaapekto sa mga binibigay din namang serbisyo ng Unibersidad sa mga gumagamit, nakikinabang at umaasa dito.”

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.