2 Agosto 2014, 7:04 p.m. – SINUPORTAHAN ng lokal na student council at Legislative Board of Class Presidents ng Faculty of Civil Law ang mga inihaing impeachment complaint laban sa Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa opisyal na pahayag sa Facebook noong Hulyo 31, idineklara nila ang kanilang pagtutol sa anila’y hindi makatarungang paggamit ng P144.38 bilyon, sa ilalim ng DAP, para sa mga proyektong hindi kasama sa pambansang badyet.

We believe that impeachment is a necessary constitutional process that the President has to be subjected to in order to be held accountable for the DAP,” ayon sa pahayag. “We find unacceptable the use of billions of pesos of the people’s money in lump sums, for projects that are not in the budget law.

Ideneklara ng Supreme Court (SC) na partially unconstitutional ang DAP noong Hulyo 1.

Mariing tinutulan ng Pangulo ang desisyon ng mataas na hukuman noong Hulyo 14, at nagsabing baka kailangan pang pumagitna ang Kongreso sa banggaan ng ehekutibo at hudikatura.

Kasalukuyang nahaharap si Aquino sa tatlong impeachment complaints kaugnay ng DAP, na inendorso ng partidong Anakbayan, Anakpawis, Kabataan, Gabriela at Alliance of Concerned Teachers.

READ
Thomasians to wear summer uniform starting Feb. 19

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.