PINAGKALOOBAN ng Unibersidad ng honorary degree ang tagapangulo ng Metrobank Group of Companies na si George Ty para sa kanyang mga natatanging ambag sa kaunlaran at pagnenegosyo sa bansa.

Sa isang seremonya noong ika-7 ng Agosto sa Medicine Auditorium, iginawad kay Ty ang doctorate degree, honoris causa, sa humanidades.

Ayon kay Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P., iginagawad ng Unibersidad ang mga honorary doctorate degree bilang tanda ng karangalan at respeto sa mga karapat-dapat na Pilipinong naging instrumento ng pag-unlad.

“We conferred the honorary degree [on him] not only for his achievements in the banking industry but for his works that embody Thomasian values of commitment, competence and compassion,” ani Dagohoy sa kanyang talumpati.

Sa kanyang talumpati ng pagtanggap, sinabi ni Ty na espesyal ang karangalang natanggap niya dahil UST ang nagbigay nito. "I have received honorary degrees from different institutions. But this is special because it's from UST, my school," aniya.

Binigyang diin ni Ty sa kanyang talumpati na ang karanasan ang pinakamahusay na guro.

“Experience can be a very hard and strict teacher, sometimes even cruel, but the lessons you can learn from experience [are the ones] you will never forget,” ani Ty.

Ang pagiging matapat sa mga pinagsisilbihan ang susi upang maging isang matagumpay na negosyante, dagdag pa niya.

Pinangunahan nina Dagohoy, Secretary General P. Winston Cabading, O.P. at Vice Rector for Academic Affairs Clarita Carillo ang pagbibigay parangal, kasama ang dekano ng Faculty of Arts and Letters na si Michael Anthony Vasco, at rehente na si P. Joseto Bernadas, O.P.

READ
Napakarami na nga bang orgs sa USTe?

Itinatag ni Ty ang Metrobank noong 1962 sa edad na 30. Noong 1979, binuo niya ang Metrobank Foundation, Inc. na naglulunsad ng mga programa sa pagpapaunlad hindi lamang sa bansa, kung hindi maging sa Asya.

Layunin ng bangko na kilalanin ang mga natatanging Pilipino na naglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay parangal sa mga natatanging guro, pintor, sundalo, pulis at mamamahayag.

Pampitumpu’t lima si Ty na ginawaran ng honorary doctorate ng UST. Noong 2009, ginawaran ng Unibersidad ng honoris causa sa Sacred Theology si Paul Josef Cardinal Cordes, pangulo ng Pontifical Council “Cor Unum” sa Vatican. Roberto A. Vergara, Jr.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.