BILANG tanda ng pagpapahalaga sa wika, nagtatag ang mga Tomasino ng isang samahan para sa pagsusulong at pagpapayabong nito.
Noong 1947, pormal na naitatag at kinilala ng Unibersidad ang “Diwa ng Kabataan” bilang isang organisasyong pangwika na naglalayong paigtingin ang damdaming makabayan ng mga Tomasino sa pamamagitan ng pagpapayaman sa wika.
Bunsod ito ng pangangailangang muling iangat ang pagtingin ng mga Filipino sa sariling wika matapos ang kaguluhan ng nakaraang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagdala ng iba’t ibang wikang banyaga sa bansa.
Alinsunod sa kanilang layunin na muling mapukaw ang interes ng mga mamamayan sa pag-aaral at pag-unawa sa wika, pinangunahan ng Diwa ng Kabataan ang pagkalap at paglipon ng mga aklat sa Filipino na siyang nagbigay-daan sa pagtatayo ng Filipiniana na seksyon sa aklatan ng Unibersidad.
Hinikayat ng samahan ang mga Tomasino na mag-ambag ng kanilang mga pag-aaring aklat tulad ng mga nobela, korido, tula, awit at mga aralin sa Filipino sa pamamagitan ng mga patimpalak tulad ng paramihan ng mga malilikom na aklat na siyang nagpayabong sa koleksiyon ng mga aklat sa Filipiniana.
Dagdag pa rito, naglunsad din ang samahan ng ibang timpalak tulad ng pagsusuri at pagbabalangkas, paglabaybayan, bigkasan ng tula, talumpating di-handa, tulaan at awitan na dinadaluhan ng mga kilalang mambabalarila, dalubwika at manunulat tulad nina Jose Villa Panganiban at Lope K. Santos.
Bukas ang pagtitipong ito maging sa mga Tomasinong mula pa sa ibang bansa kaya naman hindi lamang mga Filipino ang nalinang ang kaalaman sa sariling wika kung hindi pati na rin ang mga banyaga.
Lingid sa kaalaman ng mga Tomasino, mayroong organisasyong pangwika sa Unibersidad sa kasalukuyan, ang Pandayan ng Arte, Nasyonalistang Ugnayan at Lundayan ng Akdang Tomasino o UST Panulat.
Bagaman hindi pa pormal na kinikilala ng Unibersidad, nananatiling katuwang ng Departamento ng Filipino ang UST panulat sa kanilang mga proyekto tulad ng Tanggol Wika, Karatulastasan, Saliksikan, at iba pa.
Sa kabila ng tila nalimutan nang pagkakaroon ng organisasyong pangwika na Diwa ng Kabataan at mga naiambag nito, patuloy na nagsusumikap ang UST Panulat na ipagpatuloy ang sinimulang adhikain sa pag-ukit sa kamalayan ng mga Tomasino na tangkilikin ang sariling wika.
Tomasino Siya
Alam niyo ba na isang Tomasino ang nasa likod ng mabilis na daloy ng komunikasyon sa bansa?
Si Florante Cruz, nagtapos ng kursong BS Electronics and Communications Engineering noong 1985 sa Unibersidad, ay isa nang matagumpay na inhinyero na kilala sa kaniyang ambag sa teknolohiya na Best Internet Phone (BIP), USBIP at MoBIP.
Ang BIP ay isang internasyonal na internet protocol (IP) telephone service na may kakayahang magpadala ng mensahe o tawag sa pamamagitan ng pagkonekta sa internet. Higit na makatitipid ang mga gumagamit ng BIP sapagkat libre ito at hindi naglilimita ng dami ng mensahe at haba ng tawag sa gumagamit.
Bukod sa pagiging inhinyero, isa ring negosyante si Cruz na kasalukuyang presidente at chief executive officer ng BC Net, Inc., Ocean8 Corporation, Green Gas at franchise ng Figaro Coffee Company.
Noong 2010, pinarangalan si Cruz ng Entrepreneur’s Magazine bilang isa sa sampung pinakamatagumpay na negosyante sa bansa.
Tomasalitaan:
Panibulos (PNG) – kompiyansa sa sarili, lakas ng loob
Hal.: Bumalong ang luha sa kaniyang mga mata sa panibulos na tuluyang nilamon ng masasakit na salita mula sa minamahal na ama.
Mga Sanggunian:
The Varsitarian Archives Tomo XVII Blg. 9, August 11, 1947
The Varsitarian Archives Tomo XVII Blg. 11, September 10, 1947
The Varsitarian Archives Tomo XVII Blg. 13, October 10, 1947
The Varsitarian Archives Tomo XX Blg. 7, August 10, 1948
The Varsitarian Archives Tomo XX Blg. 9, August 28, 1948
Nakuha 2014 mula sa https://www.facebook.com/ust.panulat/info
Nakuha 2014 mula sa http://www.lessm.ahead.edu.ph/wpcontent/uploads/2012/07/Florante-Cruz.pdf
2008. Total Awards 2008 Souvenir Program.
Короче тут утилизация автомобилей
http://riaavto.ru/utilisation
auto-drova.ru
AvtoUtil.moscow
AvtoExperts.ru
программа-утилизации.рф