4 Agosto 2015, 01:23 a.m. – ANG TUNAY na misyon ng mga
Tomasino ay maging tulad ni Kristo Hesus upang baguhin ang lipunan.

Ito ang mensahe ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference
of the Philippines (CBCP), Arsobispo Socrates Villegas, sa mga Tomasino sa
taunang Misa de Apertura noong ika-3 ng Agosto sa simbahan ng Santisimo
Rosario.

“The product of UST should be another Christ, and should
engage in social transformation,” aniya sa pambungad na Misa sa pagbubukas ng
bagong taong akademiko. “The product of UST must be saints.”

Ayon kay Villegas, ang UST bilang Katolikong Pamantasan ng
Pilipinas ay hindi dapat dumagdag sa mga problema ng lipunan patungkol sa
korupsiyon, kasinungalingan, kapabayaan at kasamaan.

Dagdag pa ni Villegas, ang taong maraming alam ay
maituturing na walang pinag-aralan kapag nawalan ng “pakialam, pakiramdam at
hiya.”

“The Holy Spirit is not a spirit of indifference, the Holy
spirit is a spirit of courage, the Holy Spirit operates in the lives of men and
women, and we who work and study in this institution of higher learning, this
Catholic University of the Philippines must contribute to the transformation of
society,” ani Villegas.

Sa pagtatapos ng Banal na Misa, opisyal na idineklara ni
Villegas, ang arsobispo ng Lingayen-Dagupan, na bukas na ang taong akademiko
2015-2016.

Sinundan ang Misa ng Discurso de Apertura, na binigkas ng
dekano ng College of Rehabilitation Sciences (CRS) na si Cheryl Peralta.

Tinalakay ni Peralta ang kalagayan ng mga may kapansanan at
ang kaugnayan nito sa kahirapan sa bansa. 

Ayon sa kanya, ang bansa ay hirap na tugunan ang
pangangailangan ng mga taong may kapansanan sa apat na pangunahing dahilan:
kakulangan ng serbisyo, pondo, transportasyon at kaalaman ng mga health
workers.

READ
CBCP head joins Dominican order

Upang solusyunan ang mga suliranin,  isinasagawa ng CRS sa ang “libREHAB,” isang
community rehabilitation program. Alhex Adrea M. Peralta at Kathryn Jedi V.
Baylon

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.