(Litrato mula sa website ni Edgardo Lantin)

12 Agosto 2015, 1:10p.m. – KASAMA ang isang
Tomasinong pintor sa iba pang Filipino artists na magtatampok
ng kanilang mga obra sa isang eksibit sa Vancouver, Canada ika-10 hanggang ika-14
Agosto.

Si Edgardo Lantin, na
nagtapos ng advertising sa UST, ay bahagi ng “Pagtitipon,” isang eksibit na
naglalayong pagsamahin ang mga Canadian at American artists na
may dugong Filipino.

“I want to raise
awareness on the importance of arts and the contemporary artists of
today.  Also, to showcase and promote Filipino talents and expose their
individual works to the community at large,” ani Lantin sa isang panayam sa Varsitarian.

Itatampok ni Lantin
ang tatlong painting na pinamagatang “Rainy Afternoon,” “Hauling
Fish I,”
 at “Hauling Fish II.”

“The ‘Hauling Fish’
paintings were taken from Dalahikan in Lucena City.  It’s a fishing port
where fish from other regions are brought in to be sold.  The other
painting, ‘Rainy Afternoon’, was taken in Vancouver during the fall
season.  It’s typical Vancouver rainy weather,” 
ani Lantin.

Kilala si Lantin sa portrait
realism, 
isang istilo ng pagpipinta kung saan nagmimistulang buhay ang
taong inilalarawan. Isa sa mga sikat niyang obra ay isang portrait ng
yumaong pangulong Corazon Aquino noong 1989 na nakasabit sa Malacañan Palace
Museum.

Nagtapos si Lantin sa
Unibersidad noong 1976 at tuluyang nanirahan sa Canada noong 1981. Nag-aral
siya sa prestihiyosong New York Academy of Art and the Art Student League.

Itatampok din ang mga gawa nina Danvic
Briones, Tessie Dichupa, Imelda Cajipe Endaya, Carlos Esguerra, Bert Monterona,
Jose Trinidad at Art Zamora. Daryl Angelo P. Baybado

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.