PANGUNGUNAHAN ng isang Civil Law freshman at dalawang Journalism seniors ang Varsitarian, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng UST, sa ika-87 na taon nito.

Itinalagang punog patnugot si Lord Bien Lelay, dating patnugot ng Balita, habang ang dating katuwang na patnugot ng Balita na si Arianne Merez ang bagong katuwang na patnugot. Kasama nila sa Editorial Board si Angeli Mae Cantillana, dating manunulat ng Pintig, bilang tagapamahalang patnugot.

Samantala, ang Graduate School freshman na si Dayanara Cudal ang pinangalanang patnugot ng Balita kasama ang Journalism senior na si Danielle Ann Gabriel bilang katuwang na patnugot ng Balita. Pangungunahan naman ng Journalism seniors na sina Mary Gillan Frances Ropero at Rhenn Anthony Taguiam ang Natatanging Ulat at Online, ayon sa pagkakabanggit. Tatayo rin bilang coordinator ng Agham at Teknolohiya si Taguiam.

Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng katuwang na patnugot ng Online na gagampanan naman ng Journalism senior na si Roberto Vergara Jr.

Ang Tampok ay nasa ilalim ni Erika Mariz Cunanan, isang Civil Law freshman habang hawak naman ni Aliliana Margarette Uyao, isang estudyante ng Physical Therapy ang Panitikan.

Patnugot ng Filipino ang Management Accounting senior na si Maria Koreena Eslava, habang patnugot ng Pintig, ang seksiyong panrelihiyon, ang Pharmacy senior na si Marie Danielle Macalino.

Tumatayong editor ng Mulinyo (lifestyle and arts) si Daryl Angelo Baybado, na isa ring Journalism senior, at coordinator ng Palakasan ang Journalism junior na si Delfin Ray Dioquino.

Samantala, bagong direktor ng Dibuho ang Fine Arts senior na si Ava Mariangela Victoria at patnugot ng Potograpiya ang Fine Arts junior na si Basilio Sepe.

READ
No tuition hike at start of K to 12

Ang mga bagong manunulat ng Balita ay ang mga estudyante ng Journalism na sina Kathryn Jedi Baylon, Clarence Hormachuelos, Alhex Adrea Peralta at Jerome Villanueva.

Kabilang naman sa Palakasan sina Carlo Casingcasing, John Chester Fajardo, Philip Martin Matel at Randell Angelo Ritumalta, mga estudyante ng Journalism. Para sa Natatanging Ulat, ang mga bagong manunulat ay mga estudyante ng Journalism na sina Paul Xavier Jaehwa Bernardo at Monica Hernandez.

Kasama naman ang Journalism sophomore na si Maria Corozan Inay, Education senior na si Mary Grace Esmaya at Speech and Language Pathology sophomore na si Vianca Ocampo sa Tampok.

Samantala, ang Panitikan ay binubuo nina Zenmond Duque II, isang Civil Law senior, at Cedric Allen Sta. Cruz, isang Literature sophomore.

Ang Filipino ay binubuo nina Jasper Emmanuel Arcalas at Bernadette Pamintuan na pawang estudyante ng Journalism.

Para sa Pintig, kasapi ang Journalism senior na si Kristel Nicole Sevilla at Political Science sophomore na si Lea Mat Vicencio.

Binubuo ng Journalism seniors na sina Mia Rosienna Mallari at Kimberly Joy Naparan, kasama ang Food Technology junior na si Julius Roman Tolop, na nagsisilbi ring student assistant ng pahayagan, ang Agham at Teknolohiya.

Para sa Mulinyo, kasapi ang Journalism sophomore na si Amierielle Anne Bulan at Communication Arts juniors na sina Czarina Fernandez at Ethan James Siat.

Kabilang naman sa Dibuho ang Journalism junior na si Kirsten Jamilla, Fine Arts senior na si Freya Torres, at si Iain Rafael Tyapon na nasa ika-apat na taon na sa Architecture.

Kasapi naman ng Potograpiya ang mga estudyante ng Fine Arts na sina Geonabeth Cadungog, Alvin Joseph Kasiban, Amparo Klarin Mangoroban, at Medical Technology sophomore na si Miah Terrenz Provido.

READ
Thomasians not involved in Benilde hazing rites

Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer Arts na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang Journalism lecturer at mamamahayag na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo.

Upang mapabilang sa pahayagan, nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso ng pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili at iba’t ibang staff development activities.

Ang komite ay pinangunahan ni Christian Esguerra, mamamahayag ng ANC at dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Esguerra sina Eldric Paul Peredo, abogado at propesor sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian, at Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana.

Kasama rin sa komite ang dekano ng Graduate School na si Marilu Madrunio at direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo, na pawang doktorado.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.