ITINALAGA ng Pangulong Rodrigo Duterte si Charade Galang Puno, isang alumna mula sa Faculty of Pharmacy, bilang bagong pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).

Nanumpa sa tungkulin si Puno noong ika-15 ng Agosto sa Malacañang kasabay ang 41 na iba pang itinalagang opisyales ng Pangulo.

Nagtapos si Puno sa UST taong 2000 at nasungkit niya ang ika-10 na puwesto sa board exams sa pharmacy.

Bago ang kaniyang pagkakatalaga, si Puno ay tumayo bilang pangulo ng Rochar Cosmeceuticals Inc., kumpanya na gumagawa ng produktong pampersonal na kalusugan at kosmetiko.

Noong 2010, inilunsad ni Puno ang O.N.E. (Organic, Natural and Eco-Friendly) Naturales, ang kaniyang sariling linya ng produktong pang-kosmetiko.

Binuo noong 1966, ang FDA ay isang sangay ng Kagawaran ng Kalusugan na inatasang pangasiwaan ang lahat ng pagkain, gamot, produktong pang-kosmetiko at kagamitang pang-medikal sa Pilipinas.

Naglalayon ang ahensiya na masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa mga ipinamamahaging mga pagkain at gamot. Christian De Lano M. Deiparine

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.