IPINANGANGAMBA ng ilang mga fraternity at sorority sa Unibersidad ang tuluyang paghinto ng kanilang aktibidad kasunod ng pagsuspinde ng Office for Student Affairs (OSA) sa akreditasiyon ng mga ito sa simula ng taong akademiko.

Nadismaya ang isang pinuno ng fraternity mula sa Fakultad ng Medisina sa biglaang pagpataw ng suspensiyon dahil naudlot nito ang kanilang mga medical missions para sa taon.

“Isa kaming medical fraternity pero biglaang natigil yung mga medical missions namin at ang aming adbokasiya sa kalusugan ng mga mamamayan [sa mga probinsiya] na sineserbisiyuhan namin,” wika ng lider na tumangging magpakilala sa panayam sa Varsitarian.

“Aktibo ang medical missions namin… we serve around 300 people [weekly]. Ang dami naming [benepisyariyo at] wala kaming hinihiling na kapalit sa Unibersidad… Dinadala namin ang pangalan ng UST sa mga misyon na ito pero sinuspende nila kami,” dagdag pa niya sa wikang Ingles.

Ayon sa inilabas na memorandum ng OSA noong Mayo, suspendido ang lahat ng operasiyon ng mga fraternity at sorority sa Unibersidad kasunod ng pagkamatay ng Civil Law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III dahil sa hazing noong nakaraang taon.

Ika-29 ng Hunyo nang pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang “Anti-Hazing Act of 2018,” na nagbabawal sa lahat ng uri ng hazing, pisikal o sikolohikal, kumpara sa naunang batas na “nag-regulate” lamang ng hazing. Inaatasan din ng batas na mas maging “proactive” ang mga paaralan sa pagprotekta sa mga mag-aaral laban sa hazing.

Bagamat naiintindihan ng lider ng fraternity ang rason sa likod ng pagpataw ng suspensyon, naniniwala siya na may mas mainam na paraan para hindi madamay ang ibang mga fraternity at sorority na tumutulong sa loob at labas ng Unibersidad.

‘Huwag lahatin’

Ayon sa pinuno ng isa pang fraternity na tumagging pangalanan, hindi patas na lahatin ang mga fraternity at sorority lalo pa at ang Unibersidad din ang mayroong pagkukulang sa trahedyang sinapit ni Atio mula sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

“[M]ay pagkukulang din both the fraternity and UST since in every activity there should be an adviser and an alumnus that should be present to testify that no hazing will be initiatedPersonally, kung UST din ang nagkamali, why generalize us all especially na different entity yung sa Civil Law,” wika niya.

Dahil sa suspensiyon, hindi na maisagawa ng fraternity ang blood drives at pagbisita sa mga katuwang na bahay-ampunan na ayon sa kaniya, ay mahalaga para sa mga benepisiyaryo nila.

We are a service-oriented fraternity… naapektuhan [ito dahil] hindi kami makagalaw. Hindi [namin] maisagawa ang serbisiyo ng fraternity namin kasi pinagbawalan na nga kami ng at malaki ang parusa sa pagsuway dito. Wala kaming magawa kung ‘di sumunod,” wika niya.

Gayunpaman, umaasa ang fraternity na matatanggal din ang suspensiyon kung ipagpapatuloy nila ang kanilang pagsunod sa administrasiyon.

[W]e have no choice but to respect the school’s decision. We are very hopeful that if we respect their decision and we just abide with what they want… hopefully by next year they would lift the suspension,” sabi niya.

Para naman kay Carmina Castillo, ina ni Atio, kailangang manatiling bantay-sarado ang Unibersidad sa ikinikilos ng mga fraternity at sorority kahit pa suspendido na ang mga ito.

Dagdag pa niya, kailangan din sundin ng mga eskuwelahan ang bagong batas ukol sa hazing para mawala nang tuluyan ang dahas sa mga fraternity at sorority.

“It is the responsibility of the administration, the deans of [the] departments, it’s all their responsibilities, Sila ang mananagot kapag may nangyari sa estudiyante, kailangan silang managot,” dagdag pa niya.

Tuluyang pagsasara

Kinatatakutan din ng pinuno mula sa medicine fraternity na mawala ang kanilang samahan kung hindi pa aalisin ang suspensiyon sa susunod na taon.

“Mayroon kaming sampung miyembro na [magtatapos ngayong taon]. Sa sitwasiyon namin ngayon, kakaunti na lamang kami at maaaring kapag inalis na [ng OSA] yung moratoriyum ay wala na kaming bagong miyembro at mga opisiyal,” wika niya.

I honestly do not know what to do right now because if we do something about it, the Office [might] come after us,” dagdag pa niya.

Dagdag naman ng lider ng isang sorority, hindi nila maipatutupad ang kanilang mga serbisiyo sa mga katuwang na komunidad kung kakaunti na lang ang kanilang mga miyembro, ngunit inamin niyang wala rin silang magawa sa situwasiyon.

Ayon pa sa sorority, sinusubukan nilang kausapin ang OSA ngunit tumanggi silang magpahayag.

The leaders of the fraternities and sororities tried to communicate [to the Office] from time to time… We coursed our concerns through the [student councils concerned] and so far rejected and hindi sila willing mag-adjust sa rules nila for now,” sabi ng lider ng sorority.

Ayon kay P. Ernesto Arceo, O.P, dating rektor ng UST at rektor ngayon ng UST Legazpi, dapat manatiling bukas ang administrasiyon sa pakikipag-usap sa mga organisasiyon at mag-aaral upang maiwasan ang mga problema.

[E]very year mayroon kaming salaan ng officers sa [UST Legazpi]… training program or orientation. Maraming venues for dialogues or communication... kung may problems… right away they can air grievances,” wika ni Arceo sa panayam sa Varsitarian.

Patakaran sa mga samahan

Kinakailangang pagtibayin ng Unibersidad ang mga pangunahing tuntunin nito lalong-lalo na sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa pananakit ng kapwa nilang mag-aaral, sabi ng abogadong si Teodoro Lorenzo Fernandez.

There has to be certain rules and regulations that prohibit any form of intentional physical harm just for the sake of joining organizations or for any other reason,” wika ni Fernandez.

Nagbabala si Fernandez na kung hindi maiging babantayan ng Unibersidad ang galaw ng mga fraternity at sorority, maaari pa rin silang magpatuloy

There would always be students who would try to find a way to go around the law. [The provisions in the law about hazing] have been around for a long time, yet it [did not] stop students from hurting their fellow students,” dagdag niya.

Sinubukan ng Varsitarian kunin ang panig ng OSA ngunit hindi pa ito nagpapaunlak ng panayam.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.