DINIIN ng isang dalubhasa ang kahalagahan ng arnis hindi lamang sa larangan ng laro, kundi bilang simbolo at sining na sumasagisag sa mga Filipino.

Sa webinar na “Arnis: Simbolo, Sandata at Sining”, sinabi ni Jayson Vicente, dalubguro sa Akademiyang Militar ng Pilipinas, na simbolo ang arnis ng pagmamahal, pagkamatapang, at katalinuhan ng mga Pilipino.

Aniya, kung gaano karami ang mga rehiyon at tribong matatagpuan sa Pilipinas, ganoon din kayaman at hitik ang kultura sa likod ng arnis.

Pangangaso at pagtawid sa mga gubat ang pundasyon ng arnis, aniya.

Converting skills of hunting for food, setting up traps, subduing bigger animals, traversing the maze of the forest are the first [instances of] training that made up the physicality of the first fighters that stood up to protect what they love and own,” wika ni Vicente.

Aniya, makikita ang mga elemento ng arnis sa mga sayaw tulad ng Tinikling at Pandanggo sa Ilaw dahil sa paghihigpit ng mga Kastila. 

“[N]oong ipinagbawal ang paggamit o pag-training ng arnis, lalonglalo na ‘yung mga blades, sinubukan nilang itago ang mga prinsipyo o principles ng martial arts… sa mga sayaw,” wika niya.

Paglipas ng mahigit tatlong daang taon, buhay na buhay pa rin ang diwa ng arnis, atnaibalik din ang orihinal na layunin nito bilang paraan ng proteksyon o pakikipaglaban.

It is said that Katipuneros… were arnisadors who are experts in using their bolos… to attack enemies with guns. So just imagine… the primary weapons of the Filipinos [are bolos] because we don’t have guns,” saad niya.

Idinaos ang webinar noong ika-23 ng Oktubre sa Museo ni Baldomero Aguinaldo bilang pakikiisa sa Museums and Galleries Month. Natapat din ang araw ng webinar sa ika-88 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan. M. G. Gabriel 

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.