Sunday, May 19, 2024

Tag: Agosto 22, 2014

Pagbawi ng korona

SA IKALAWANG bahagi pa ng unang semestre sila sasabak sa UAAP ngunit desidido ang mga koponang ito na tulungan ang UST na ibalik ang dati nitong karangalan at bawiin mula sa De La Salle University ang titulong overall champion.

Narito ang prediksyon ng Varsitarian sa mga magiging tiyansa ng mga koponang ito.

BEACH VOLLEYBALL

Tiger Spikers
Nakaraang taon: Ikalawang Puwesto
Prediksyon: Kampeon

Sa pagbabalik nina Mark Gil Alfafara na dating Most Valuable Player at Kris Roy Guzman na Season 76 Rookie of the Year, malaki ang posibilidad na maiuwi ng UST ang kampeonato ngayong taon.

Beteranong coaches nagbabalik

PANGUNGUNAHAN ng dalawang nagbabalik na coach ng UST ang kampanya ng Tiger Spikers at Paddlers na pawang umaasa na masungkit muli ang korona sa kanilang pagbabalik aksiyon sa UAAP.

Muling ipamamalas ni coach Emil Lontoc ang kanyang husay sa pagtuturo ng beach volleyball habang tatangkain naman ni coach Jackson Que na muling buhayin ang tikas ng Tiger Paddlers sa table tennis.

Hindi nakasaksi ng aksiyon mula sa UAAP sand court si Lontoc noong nakaraang taon dahil sa desisyon niyang mas bigyang pansin ang naghihingalong indoor volleyball program ng UST.

UST Poomsae walang planong isuko ang kampeonato sa UAAP

MATAPOS pagharian ng UST Poomsae team ang UAAP noong nakaraang taon, mas aabangan ang pagdepensa na gagawin nila ngayon.

Kahit noong Season 76 lang naging opisyal na UAAP sport ang poomsae, nagpamalas kaagad ng bangis ang Tiger Jins matapos ang kanilang dominanteng sweep sa lahat ng category.

Ngunit mas mahirap ang kanilang dadanasing kompetisyon ngayong taon dahil sa mga paghahanda ng ibang koponan na ang pangunahing misyon ay patalsikin sila sa trono.

“I think competition will be tougher this year. Marami na rin ang nag-invest sa mga coaches sa ibang schools, pero we started early for our preparation in the UAAP and we are training double time to prepare for this season,” ani poomsae head coach Rani Ortega.

Subido handang magpakitang gilas para sa UST

DETERMINADONG magpakitang gilas ang dating UAAP juniors scoring champion Henri Lorenzo Subido suot ang gintong uniporme ng UST.

Lumalaban para sa Growling Tigers, isa ang dating point guard ng De La Salle-Zobel sa mga inaasahang mahahasa ng todo ang kakayahan sa kanyang unang sabak sa seniors league.

Ayon sa 18 na taong gulang na rookie, UST ang kanyang naging prayoridad matapos makita ang pagpapahalaga ng unibersidad sa edukasyon.

Pinili rin niyang maglaro para sa Growling Tigers dahil nakita niyang dito mas uusbong ang kaniyang basketball career.

Naniniwala si Subido na mas mabibigyan siya ng exposure sa UST, at magkakaroon siya ng pagkakataon na matuto mula sa mga beteranong sina Kevin Ferrer, Karim Abdul at Aljon Mariano.

Varsitarian editor, muling UAAP courtside reporter

MULING magbabalik ang isang pamilyar na mukha upang maging tinig ng Growling Tigers mula sa sidelines para sa UAAP Season 77.

Sa kaniyang ikalawang taon, si Kristelle-Ann Batchelor, dating Special Reports editor at kasalukuyang Circle editor ng Varsitarian, ang muling magbabalita bilang courtside reporter ng UST.

Ayon kay Batchelor, nanaig ang kaniyang pagiging madasalin at malapit sa Diyos kaya nalagpasan niya ang hindi birong proseso ng pagpili sa mga courtside reporters para sa ika-77 na taon ng UAAP.

“Sa St. Jude, kapag daw nag-novena ka, matutupad [‘yung gusto mo]. So sinubukan ko siya. Sakto, noong ninth day, tinawagan ako ng ABS-CBN na ako ulit [ang courtside reporter para sa UST],” ani Batchelor.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe