5 Agosto 2014, 6:52 p.m. – PUMANGALAWA muli ang UST sa listahan ng top-performing schools sa nakalipas na Nutritionist-Dietitian licensure examinations noong Hulyo, ngunit bahagyang bumaba ang marka nito.

Ayon sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC), nagtala ang Unibersidad ng 90.53-percent passing rate, kung saan 86 na Tomasino mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Bahagyang mas mababa ito sa 95.12 percent o 78 na pumasa mula sa 82 kumuha noong nakaraang taon.

Walang Tomasino ang nakapasok sa listahan ng sampung nanguna sa pagsusulit.

Nanatili pa ring top-performing school ang University of the Philippines-Los Baños na nagtala ng 100-percent passing rate matapos pumasa lahat ng 72 estudyante nito.

Kailangan ng 80 percent o mas mataas at 50 o mahigit na estudyanteng kumuha ng pagsusulit upang ma-ideklarang top performing school ng PRC.

Bahagyang bumaba ang national passing rate sa 63.59 percent o 634 na pumasa mula sa 997 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 64.36 percent noong nakaraang taon. Roberto A. Vergara, Jr.

READ
Working group to draft Magna Carta of Students

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.