DAHIL sa mapagmatyag na alituntunin sa UST, binigyang-diin sa editoryal ng Varsitarian noong Agosto 1946 ang kahalagahan ng akademikong kalayaan o ang awtonomiyang pagpapasiya ng bawat propesor sa pamamalakad at pagtuturo sa silid-aralan.
Nakatuon ang kalayaan na ito sa pagbabahagi ng kaalaman at pagkakaroon ng malayong diskurso sa klase nang hindi naapektuhan ng polisiya ng Unibersidad, ayon sa pangulong tudling ng pahayagan.
Iba’t iba man ang estratehiya ng mga propesor, hindi dapat nailalagay sa panganib na matanggal sila sa pagtuturo dahil lamang sa paggamit ng kanilang karapatan.
Gayunpaman, iminungkahi ng pangulong tudling na magkaiba ang kalayaan sa pananalita sa akademikong kalayaan dahil ang nauna ay sumasaklaw lamang walang restriktong pagsasalita.
“The professor whose values are the same as businessman’s or the politician’s has missed his true calling, and cheats himself and his students,” ulat ng editoryal.
Dagdag pa nito, malaya dapat ang mga propesor gumawa ng sarili nilang panuntunan, kurikulum at kondisyon sa pagtuturo.
Ipinaalala ng Varsitarian na isa sa mga susi ng pag-unlad ng kalidad ng edukasyon ang akademikong kalayaan.
Tomasino Siya
Sa pamumuno ng Tomasinong siyetipiko na si Carmen Kanapi, napaigting ang kredibilidad at husay sa pananaliksik ng Kolehiyo ng Agham at Graduate School ng Unibersidad.
Si Kanapi ang kauna-unahang babaeng hentista sa bansa na nagtapos ng doktorado sa zoology major in genetics sa University of Texas and Austin sa Estados Unidos at pre-doctoral studies in human genetics sa John Hopkins University sa Baltimore, Maryland.
Nakapaglathala siya ng mga lokal at internasyonal na artikulo, gaya ng “An Analysis Of Polymorphisms Among Isozyme Loci In Dark And Light Drosophila Ananassae Strains From American And Western Samoa” noong 1966.
Mula sa kaniyang mga kontribusyon, idineklara siyang dekana ng Graduate School noong 1976 hanngang 1982. Itinatag niya ang Office for Graduate Research, bagong mga masterado sa Business Administration at Human Resource Management at pinangunahan ang pagsasa-ayos ng Linguistic program ng Graduate School.
Dahil sa kaniyang mahusay na pamumuno sa College of Science, idineklara siya bilang Dean Emeritus nang siya ay magretiro noong 2009.
Naging tagapagtatag rin si Kanapi ng Biology Teachers Association of the Philippine, na pinamunuan niya noong 1971 hanggang 1974.
Ginawaran siya ng The Outstanding Thomasian Alumni Award noong 1997 sa kategorya ng Edukasyon, AT Medal of Honor for Peace and Welfare through Education NG Kyung Hee University sa South Korea.