Mga mag-aaral na nars lamang kayo:

sumusunod sa utos ng clinical instructor,

nakikinig sa diskurso ng duktor,

kumakapit sa sidhi ng pangangailangan.

Mga mag-aaral na nars lamang kayo:

mababaw ang gunita,

manipis ang mithi,

bagaman hibla ng guni-guniy pambihira.

Habilin at utos ng iba ang nagpapakilos,

Bakit sariliy di pagkaitan ng haplos?

Mga mag-aaral na nars lamang kayo:

nakagapos ang puso’t malambot na buto,

namamanatang walang sinta,

nangangapa sa bulsa.

Bakit manhid sa anyaya ng dusa?

Mga mag-aarala na nars lamang kayo:

banyaga sa sarilit bansa,

magkaiba ang pagkilala

sa kabayan at dayuhan.

Mag-aarala na nars lamang kayo:

Hindi pa tunay.

READ
Mga kuwentong pamilya, pag-ibig, pulitika at iba pa

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.