IPINAUBAYA na ang lahat
sa kaniya. At hawak niya

sa kanang kamay
ang mga papalarin

na maisalba
ang kanilang mga pera

na ipinampusta
sa tupada.

Marami ang kaniyang tinawag
ngunit iilan lamang ang tumugon

at papalaring manalo.

*Mula sa koleksiyong “Hanapbuhay” na nagwagi ng unang gantimpala para sa Tula sa Gawad Ustetika Taunang Parangal Pampanitikan noong 2009. Si Castillo ay dalawang beses nang hinirang na Makata ng Taon noong 2007 at 2009.

READ
'Thomasian pride can't make profs stay'

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.